Chapter 5
"Kuya!!!" sigaw ko pagkalabas ng classroom.
"Rys! San punta mo? HOY! Wait lang. Baka makita tayo ni Sir Lee." Sigaw nung si Rhem. Ewan ko ba dun. Parang nagustuhan pa ata.. psh -_-
"Oh Rys. Anong problema? Rhem. Kamusta nga pala first day niyo ni Rys?" tanong ni Kuya
"Para sakin okay lang pero mukhang para dito kay Rys, mukhang di okay."
"Di talaga okay noh! Lumayo ka nga sakin!" sigaw ko sakanya!
"Ano bang nangyari at parang super close niyo na kung magbangayan kayo?"
"Di lang super close noh? Super duper close. Alam mo bang dapat ay magka-holding hands kami ngayon."
"Ano? Rys? Akala ko ba studies muna? Ano toh?"
"-_-"- ako
"^_^"- Rhem. Binatukan ko sila pareho!
"Alam mo Rhem. Medyo makapal ang mukha natin diyan ah. Lumubay ka nga sakin!"
"At ikaw naman kuya, wag ka ngang parang tanga diyan. Napaka-praning nito. Ganito kasi yan. Naglaro kami kanina then fast forward na, in the end, talo kaming dalawa. At dahil natalo kami, may parusa kami. Ayun ay ang mag-holding hands kami for the whole week. Saya noh? *insert sarcasm here*"
"BWAHHAHAHAHAHA!!!" nagtinginan yung tao kay Kuya kaya naman napatigil sila. Yung iba hindi na magkaintindihan. Yung iba naman mga naka-nganga at yung mga babaeng krayola, mga nag-kislapang yung mata. First siguro narinig tawa ni Kuya. Samin nga may kasama pa yang utot kapag tumatawa siya eh. Pfffffftttttt. Secret lang natin yun ha.
"So dahil pala dun? Okay" saka tumalikod samin ni Rhem
"Ou Kuya! Anong gagawin ko? Susundin ko?" bumalik siya at hinarap ako
"Syempre. Teacher mo yun eh. Rhem, pagpasensyahan mo na kung medyo pasmado tong si Rys ha. Maghugas ka na lang.XD" at tinalikuran niya na ako ulit. Teka paano na ako?
"Rys. Tara na! Baka makita pa tayo ni Sir Lee. Maging two weeks pa"
"Naku wag naman. Halika na nga. Bwiset!" naghawak ulit kami ng kamay. Infairness, malambot yung kamay niya pero yung ugali niya talaga, feeling ko may tinatago yang gaspang.
Uwian na. Yes, di ko na ikwekwento yung nangyari kasi magiging makulay lang ang araw niyo dahil sa mga nabubuhay na mga babaeng krayola.
Syempre, hindi na rin kami magka- "holding hands" ni Rhem kasi nga uwian na. Pauwi na kami ngayon ni Kuya. At nandito kami sa scene ng batukan.
"Kuya! Bakit mo naman yun ginawa?" unang batok
"Bakit hindi? May talent ka naman. Saka para rin makilala ka dito sa school. Gaya ko" nakatanggap siya ng kambal batok.
"Bakit dalawa?" kamot niya sa ulo
"Una para sa pagsabi mon a may talent ako, AT PANGALAWA AY PARA SA PAGSABI MO NA MAY TALENT KA!!!" meron talaga si Kuya na talent pero kailangan ba talaga niya gawin yung "pogi pose" nung sinabi niya yun. -_- kairita siya!!! Patay siya samin sa bahay!!!
Sa bahay...
Syempre continuation ng batukan namin kanina ay batuhan ng unan. Ganyan kami magmahalan.XD
"KUYA kasi!!! Bawiin mo yun!"
"Di na pwede Chrys! Nasabi ko na! Saka pianist ka naman. Di ka na masyadong mapapansin." Sinali niya ako bilang pianist ng banda nila. Di na ako pina-audition kase may tiwala sila kay Kuya sa pagpili ng members. Graduate na kase yung dati nilang pianist. Mixed group naman daw pero ayoko parin! Nandun din si Rhem eh. -_-