Chapter 6

14 0 0
                                    

CHAPTER 6

CHRYS POV

Ano ba tong napasukan ko? Sinali ako ni Kuya sa banda niya at ngayon nasa Music Room na ako. Maganda yung room. Nandun lahat. Lahat ng klase ng instrument at lahat din ng klase ng tao nasa banda na to. May I present the following students:

Liam Rhoi De la Fuente (Bass Guitarist) - ayos naman siya compare kay Rhem. Tahimik pero pag nagsalita, may authority. Pero si Kuya ung leader ng banda. Talaga lang napaka-intimidating ng taong to. Syempre gwapo. Lahat ata ng members ng banda, gwapo at magaganda.

Shanen Santiago (Girl Vocalist) - siya lang yung babaeng nandito at base sa epilyedo niya ay may connect siya kay Rhem. Mabait siya at palangiti. Actually para nga siyang si Rhem eh. Well maliban si Rhem para talaga siyang may dala-dalang masamang aura tuwing makikita ko siya. Tatanungin ko na lang siya mamaya kung kaano-ano niya si Rhem.

Rhem Santiago (Boy Vocalist) - May talent siguro talaga sa pagkanta yung family nila. As usual kumukulo na naman yung dugo ko sa kanya. As in nasa maximum point na yung kulo, baka mamaya mag-evaporate na lang. -_-

Chris Smith (Guitarist)- Si Kuya din ang leader at guitarist. Actually , nagulat ako kung bakit guitarist siya eh dapat vocalist siya eh. Gwapo kaya ng boses niya.

Chrys Smith (Pianist)- Sino pa ba yan? Edi yours truly, ang chakang babae na pinilit ni Kuya na sumali sa banda na to. Marunong naman talaga ako mag-piano. As in yung marunong kase alam ko lahat ng keys at kabisado ko lahat kase nag-aral ako niyan nung bata ako. Pero alam mo yung ngayon lang ako makakasali sa isang banda.

Tama na ang introduction ng members ng banda at may speech si Kuya

"As you all know, well maliban kay Rys, kulang pa tayo ng dalawang members. Drummer at violinist. Actually may kilala akong dalawa, pero di ko alam kung mapapapayag ko." Choosy pa sila. Nandito yung mga gwapo oh.

"Sino ba sila? Ako na lang magsasabi." Hulaan niyo kung sino yan?

"Si Rai at Nathan. Nag-research ako ng mga marunong mag-violin at drums at sila lang yung appropriate. Si Rai para siyang si Rys. Nag-aral siya nung bata mag-violin at later on ay iniwan na din niya para mag-focus sa studies. Si Nathan, nasa blood ng family niya yung pagiging musician at sa pagkaka-alam ko, kaya niya tugtugin lahat ng instruments at specialty niya ang drums. Kaso dahil sa misunderstanding niya sa family niya, temporarily niyang iniwan ang dpagda-drum. Now tell me Rhem, kaya mob a silang kumbinsihin?" yep, si Rhem yung nagsabi kanina. Yabang kasi eh. Psh

"Si Nathan kaya ko pa sigurong kumbinsihin pero si Rai di ko pa sure kase di ko pa rin yun nakakausap since pasukan. Well, since naging mag-schoolmates ata kami." Oo nga noh.

"Ikaw ba Shanen. Makakausap mo ba si Rai para makasali sa banda?" teka tatanong ko pa nga pala kay Shanen kung magkaano-ano sila ni Rhem

"Try ko ha. Pero I'll be needing Rys kase kaklase niya si Rai eh." Narinig ko yung pangalan ko dun ah.

"Ha? Ano yun? Bakit narinig ko yung pangalan ko? Di na ba ako kasali? Ay naku buti naman. Nice meeting you all nga pala. Pwede na ba akong umalis?" sabi ko ng dire-diretso. Di ko kasi narinig yung sinabi ni Ate Shanen

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Okay lang ba tong utol mo Chris?" tanong ni Liam. Ang gwapo ng boses niya. Crush ko...yung boses niya lang.HAHAHA!

"Okay lang yan. Ah Rys, di ka namin pinapaalis. Sabi ni Shanen, kailangan daw niya ang tulong para mapapayag si Rai since magkaklasi kayo. Ano ba kasing iniisip mo?" napatawa ng konti si Rhem. Actually, hindi na kami magkahawak ng kamay ni Rhem ngayon. Binawi na ni Sir Lee. Nakahit-hit din ata yung teacher na yun eh. HAHAHA! Joke lng!XD

The Story of my GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon