Chapter 4
*Kring-kring*
Wooohhhh.. Akala ko di na matatapos yung klase eh. Yung pinagdaanan ko sa unang apat oras ay parang katumbas ng isang buwan na walang pagkain at kpop. XD
FLASHBACK
"Okay Ms. Rys. Umupo ka na kung saan mo gusto." Sir pedeng dun nalang sa classroom ni Kuya. XD. Kahit saan daw eh. xD
"Yes Sir. Pede po ba don sa first row sa may bintana?" Dun ako laging pumepwesto kase bukod sa mahangin na, kita pa yung nasa board. Mabait kaya akong estudyante.
"Oh Sige. Pero may katabi ka diyan eh." Malamang sir. May bag oh. RYS!!!! Ambadbad mo na! Teacher mo siya!
"Class nasan si Rhem?" Ah. Si Rhem pala yung....ANO??? katabi ko yung asungot nayun? Lupa! Kainin mo na ako ngayon. Bakit si Rhem pa? Ang init ng dugo ko dun eh. Siguro nung dati kong buhay, siya ang pumatay sakin. Psh -_-
"Nasa SC po ata ulit." Sabi nung babae na himala na parang poker face lang. Ibang iba siya sa mga babae dito. Yung ibang babae dito, yung mga mukha nila parang yung 24 colors sa krayola. Try kaya nilang manalamin. Free comedy bar pa kase sobrang matatawa sila. Kaya siguro ilag si Kuya sa mga babae dito.
"Ahh. Okay so let's do some self-introduction." Ayan na naman. Wala ba silang ibang gusting gawin sa first day kundi introduction. Pede RR? Rest and Relaxation! May hang-over pa kami ng bakasyon noh!
"Okay Ms. Rys. Start since you're in the first row." Sakto naman na may pumasok na lalaki na woooohhhh, ang gwapo niya sa wet look nayun ha. Gaano kaya kahaba ang nilakad nito? Simula SoKor? XD
"Sorry Sir I'm late. Nanggaling pa po kase ako sa iba't ibang classrooms. Pasensya na po" at umupo na siya sa upuan niya. Sa upuan katabi ko. Anak ng kabayong lumalangoy oh! Ang bango niya!
"Okay lang. First day naman eh. But I won't tolerate this action so you shall start the self-introduction." HAHAHAHA! Bute nga sayo! Nakaligtas ako dun ah. Ayoko kase talgang umuna eh.
"Hi! Good Morning! I am Rhem Santiago. A varsity player, SC President, and the Top 1 over-all in Junior" at nagkiligan pa yong mga babaeng mukhang krayola. Ang hangin nito ah. Gusto mo pala ng ganyan ha! Sige lang. Tatapatan ko yan!
"Okay. Now Ms. Rys. Proceed." Tumayo naman ako ng taas noo. Patay ka sakin ngayong Rhem Santiago!
"Good Morning! I am Rys Smith. A volleyball player and math wizard in my past school. The Top 1 over-all sophomore and the ex- SC President in my former school." Ano ka ngayon Rhem! Sasama ko pa sana na ako yung representative ng school namin sa international singing competition. Nga-nga kayo noh! Yung mga babaeng krayola natunaw ata. XD. Ang humble ko talaga!!!XD
"Interesting. Then the next one." Yung babae na sa likod namin. Yung babaeng poker face kanina. Ngayon mas poker yung face nia. Pokerer?XD Bale kase by pair yung upuan. Feeling ko nga walang umuupo sa upuan ko kase ang linis pa niya. Eh yung ibang upuan madumi na.
"Rai Parungao" Rai as in Ray yung basa sa pangalan niya. Ginawa pang I, pede namang Y. HAHAHA. Para din palang kami ni Kuya. Miss ko na kagad si Kuya. Lagi ko kase siyang kasama sa bahay nung bakasyon. Ano kayang ginagawa niya sa room ngayon? Ang tahimik din eh.
"As expected. Next?" Tapos yung boy naman na katabi ni Rai. Cute yung lalaki at mukhang easy-go-lucky lang. Parang si Kuya kapag nasa bahay. Pero di ganyan si Kiuya dito sa school. Di nga siya ngumingiti dito eh.
"Nathaniel Solomon. The reigning Mr. Perfect of this school. Cool, hot and sexy." Nakipag-apir naman yung ibang lalaki malapit sakanya. Cool tapos Hot. Ano yon? Maligamgam? Ang gara ng mga tao dito ha. Mga naka-hithit ata eh.
"As expected. Next" at dun na nagsimula ang boring na pagpapakilala nila. Wala man lang thrill. Yung mga babaeng krayola, mga nagpa-pacute nung nagpapakilala. Mga acute naman. Mga walang self-confidence. Kami lang ni Rai ang walang make-up dito eh. Si Rhem walang imik. Si Nathan naman todo- ngiti sa mga babae. Pero di siya mukhang play-boy. Nararamdaman ko. Malapit lang siya sa mga babae kase nga boy-next-door lang siya.
"Okay. So now we will have an activity. It will be for the whole class. This will be called Zero Game. So 21 kayo sa classroom. Pwede tayong magsabi ng from 0-21. Uupo tayong lahat at kapag sinabi ko na Z-e-r-o G-a-m-e, kahit sino pwede magsabi ng number from 0-21. Kunyare sinabi ko na 2, tapos dalawa nga yung tumayo, ibig sabihin panalo ako. Ako lang yung panalo since ako lang yung nagsalita. Kung pareho kaming nagsalita ng two at dalawa lang kaming tumayo, safe kaming dalawa. Then kapag naman sinabi ko na 0 tapos may tumayo, walang panalo. Gets?"
Medyo magulo pero gora pa din ako. Nag-form kami ng circle at nag-start na ng game.
"5" may 4 lang na tumayo.
"6" may 6 na tumayo at tatlo sa kanila yung nagsalita kaya safe na yung tatlo
"3" may tatlong tumayo at silang tatlo yung nagsalita. Swerte nung tatlong yun ah
"0" yung nagsalita niyan pero tumayo si Rhem. Shete naman. Bwiset talaga oh. Dapat di siya tumayo.
"1" siya yung nagsabe nun pero tumayo siya at ako kaya talo siya. Bleh. NABAWIAN KO SIYA!!!
"4" nagsalita niyan si Rai at Nathaniel at kaming apat nina Rhem, Nathan at Rai ang tumayo. Bute pa sila safe na. huhuhuhu
"5" lima ung nakatayo at 4 yung nagsalita. OWEMJI!!! 8 na lang kami! Kailangan kong Manalo
"Nga pala class. Dalawa ang losers ha. Para hindi naman kawaw kung isa lang" WAAAH!!! So 6 n lang yung sage samin. Dapat kasama ako sa 6 na yon!
"0" sabi nung kaklase ko at wala ngang tumayo. Safe na siya!
"3" tatlo yung tumayo at dalawa yung nagsalita. 5 na lang kami.
"4" kaming lima yung tumayo. Halatang kabado na kaming lima
"1" tumayo mag-isa yung kaklase ko at syempre safe na siya! Waaaha!!! 4 na lang kami!
"3" ako yung nagsabe niyan. tumayo ako saka si Rhem, At kaming dalawa lang yung tumayo.
"0" sabe ng kaklase ko. Walang tumayo kaya safe siya. Tatlo na lang kami!!!
"2" sabi ni Rhem pero siya lang naman tumayo. Sawi sya!!XD
"3" sabi ko pero di tumayo si Rhem. Tumayo ka dapat! Psh
"1" yung kaklase kong isa yung nagsabe niyan at siya nga lang yung tumayo!!!! Tatayo dapat ako eh. Naipit lang ni Rhem yung paa ko kaya di ako nakatayo. Kung di lang niya naipit yon edi sana may chance pa ako diba. RHEM SANTIAGO!!!! Humanda ka sakin!!!
"So I thik we have now our couple of the week" o.0 WHUT? Yan yung parusa naming. KAMI? COUPLE OF THE WEEK? NO WAY!!! PERO SABI NG UTAK KO, YES WAY! KAILANGAN MO TONG GAWIN CHRYS! ALANG-ALANG SA MARKA MO!!! . Kase napag-usapan kanina na may parusa nga daw si Sir Lee sa matatalo. AT I guess ito nga yun. Bad-trip naman oh. First day malas agad.
"ANO SIR? Couple of the Weel yung matatalo? Edi sana nagpatalo na lang ako. Para ka-couple ko si Rhem" aba malande tong babae na to ah. Pero may point siya sa sinabi niya. Pwede kayang siya na lang ang puma----
"No. Sila ang losers kaya sila lang ang tatanggap ng parusa. Buti na lang di ko kagad sinabi yung parusa. Now the two of you, since magkatabi naman kayo, mas madali para sa inyo ang process. Simula mamaya, hindi kayo maghihiwalay. Wag nyong babalakin na maghiwalay kase madami akong mata sa campus." HA? Kami? Ni mortal enemy? For the whole week? Aba! Para saan naman?
"Bakit nyo po ito ipinapagawa? Pwede naman pong ibang parusa na lang?" sabi ni Rhem. Bute naman at napansin niya na mainit ang dugo ko sakanya.
"Wala lang. Gusto ko lang." Aba. Loko-loko tong matanda na to ah! Banatan ko kaya to ng 69 times. Psh -_-
"Okay class dismissed. Wait for your next teacher."
AT DUN NA NAGSIMULA ANG FIRST FOUR HELL HOURS KO!!!
To be continued...