Chapter 3

6 1 0
                                    

Chapter 3

Chrys POV

Hinahatid ako ngayon ni Kuya sa room ko. Grabe... Kada room na madadaanan namin, tinitingnan nila si Kuya...pati na rin ako ata....

"Kuya!"

"Hmm?" sabay check nia dun sa room kung nandun yung pangalan ko.

"Bakit sila tumitingin sayo? satin rather?"

"Ikaw pa lang kase nilalapitan kong babae so far. Lahat ng babae dito, takot lumapit sakin... Takot ma-basted" sabay kindat pa. Nakita ko naman sa aking tabihan na parang nagbubulungan yung mga babae. Para ngang may kumukuha pa ng picture eh. Yung iba, halos umiyak na. Yung iba naman, magiging isa na lang ata kilay nila sa pagka-kunot. What's happening?

"OIC. Magkano rin binayad mo sa kanila?" HA! Akala mo ha!!! Pero aminado naman ako na gwapo talaga si Kuya. Matalino, varsity, maputi, matangkad at 4th year high school pa lang may abs na. In-born daw sabi niya. Cold nga lang sa mg babae maliban samin ni Mama. Ewan ko ba kung bakit ganun siya? In-born din siguro...hehehehehe

"Wag mo nga akong i-gaya sayo! Oh dito pala yung classroom mo. Magkatabi lang pala room natin. Umikot pa tayo. Akala ko kase sa lower section ka eh. Usually kase ang mga transferees ay nasa lower sections." Sabay hawak niya sa baba niya na parang may iniisip

"HOY!" sabay sudot ko sakanya sa noo. "Mataas kaya nakuha ko sa Entrance exam. Saka sino ba naman may sabi sayo na magpakalayo-layo ka?" at nagsigawan na kami sa may pinto. Nang bigla itong bumukas.

"Ahm. Mr. Smith. What brings you here?" sabi nung lalaking di naman nakakatakot ung voice pero nakaka-intimidate pa rin.

"Good Morning Sir Lee. I am just here to escort the transferee. May we come in?"

"yeah sure. Kanina pa namin siya hinihintay."

At pumasok na nga kami ni Kuya. Ewan ko ba kung bakit kailangan niya pang pumasok...

"Class. Let me introduce to you our new transferee. Miss..."

Tingnan mo tong teacher na toh, siya daw mag-iintroduce pero ako naman magsasalita. Lasing ata toh eh? XD

"Hi! I am Chrys. Nice meeting you." Grabe..hiyang-hiya ako. Pareho kami ng pangalan ni Kuya. Kuya save me!!!!

"Ahm. Medyo naguguluhan kayo? Ahm. Siya si Chrys as in C-H-R-Y-S. Kapatid ko siya" Grabe parang ngayon lang nakahinga yung mga girls at yung mga boys naman, parang mga namatayan yung itsura? Ah... alam ko na kung bakit siya sumama. Wala siyang tiwala sa mga lalaki dito. Baka pumorma sakin. Asa pa sila. -_-

"I see. Ahm. How can we call you? Ms. Smith? Since the both of you have the same name. "

"Sound lang naman po. Rys na lang po tawag niyo sakin" napatawa ng konte si Kuya na ikinakilig naman ng mga babae dito. Agad naman tong binawi ni Kuya. Ganyan ba talaga epekto ni Kuya sa kanila. Ang babaw ha...

"Ah okay Ms. Rys. You may take your seat. And Mr. Smith, you may go now. Your teacher might be waiting for you. Thank you for accompanying your sister."

"Okay Sir. Chrys alis na ko ha" sabay smile pa niya sakin bago umalis.

"Okay Kuya. Ingat" yung mga kaklase ko mga masasama na tingin sa kin. Kuya, mamaya ka na umalis!!!!!

I'M SO DEAD!!!


The Story of my GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon