CHAPTER 8
"Kuya kase!!!" kung di lang talaga sya matangkad. Oo! Di ako maliit! Matangkad lang talaga sya! Hmp
"Bakit ba? Meron bang kung anong laman dito sa diary mo?" tinanong pa nya!
"KUYA! Diary nga eh!!! Tapos babasahin mo! Edi di na diary yun! Akin na kase!"
"Tss" sabay hagis niya ng diary ko sa kama ko. Nasa kwarto ko kami ngayon at bigla na lang nyang kinuha yung diary ko habang nagsusulat ako sa study table
"If I know, puro si Rhem ang laman nyan! Yiee! Yung kapatid ko, lumalanjot na!" huh? Hanudaw?
"Lumalanjot? Sang dictionary mo yan nakuha?"
"Naririnig ko lang yan sa mga baklang tumitili pag nakikita ako." Conceited. Mayabang. Presko. Tss
"Kung ano-anong sinasabi mo kuya! Mga alien words!"
"Wag mong baguhan ang topic Chrys! Anong laman ng diary mo ha? Yiee! May love life ka na noh?"
"Si Kuya parang bakla. Ang chismoso! Bakla!!! HAHAHA"
"Anong bakla? Sinong bakla ha? Sino? HAHAHA" at nagkilitian na lang kami dun sa kama ko. Grabe! Ang sakit ng panga ko kakatawa! Si Kuya kase! Ang bakla!!! HAHAHA
"CHRIS!!!!" sigaw ni Mama
"Po?!!!" sigaw namin pareho ni Kuya. Malay ba namin kung sinong tinatawag nya saming dalawa.
"Chris hindi Rys! May naghahanap sayo! Nathan daw!" what? Si Nathan? As in yung walang kwentang lalaking yun na hindi man lang ako tinulungang makabalik ng room?
"Ah! Opo! Babawa nap o ako. Hoy Rys, samahan mo ko!" at hindi na ako nakatanggi kase hinila na nya ako palabas ng kwarto ko. Ganun ba talaga ako kapayat at hinihila hila nya lang ako? Tss
"Kuya Chris!" bati ni Nathan. Infairness ha. Ang gwapo nya. Naka pang-basketball siya na attire.
"Oh? Napadaan ka?"
"Tanong ko lang sana kung pwede kang maglaro? Dyan lang sa court ng subdivision. Kulang pa kami eh. Apat pa lang kami eh."
"Ah. Sino na ba kasama mo?" sino nga ba? E solo naman syang pumasok sa bahay
"Si Rhem, si Liam at yung kakambal niya. Nasa gate sila." May kakambal pala sya? Cold din kaya?
"Ah. O sige. Hintayin nyo na lang ako sa court. Pupunta ako. Bihis lang"
"Oh sige."
At lumabas na sya. Okay. Bakit pa ako pinasama ni Kuya hanggang sa sala kung wala lang din naman akong gagawin. Ni hindi man lang kami nag-usap usap na tatlo. Problema nitong si Kuya?