chapter 15

591 26 0
                                    

Lara:

kinaumagahan ay nagising ako ng maaga ,nagluto nako at nagbihis.kailangan kong puntahan si kier,at magpaliwanag sa kaniya,habang hinahanda ko ang pagkain ko ay may nag doorbell kaya dalidali akong nagtungo doon dahil baka importante.

nagulat ako at napakuyom ng kamay dahil si nesha iyon.

"anong kailangan mo" seryosong sabi ko sa kaniya.

napangisi naman siya ng nakakainis.

"kayo paba ni kier?" Naaasiwang sabi niya,pinakalma ko ang sarili ko.

"kung wala kang sasabihin ,ay umalis kana nesha,may pupuntahan pako" sabi ko agad sa kaniya.dumiretso naman siya at naupo sa sofa.na lalo kong kinagalit ,

"kanino?kay kier magpapaliwanag ka?" Natatawang sabi niya kaya napalunok ako.

"magaling bakong umarte,my dearest couz?" Aniya kaya napakuyom ako ng kamay.

"pwede ba nesha!umalis kana ,hanggat nakakapag timpi pako!" Inis kong sabi sa kaniya.

"magaling humalik si kier hano!" Pagpapatuloy niya kaya natigilan ako,naalala ko nanaman ang tagpo na iyon.huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"yeah,magaling talaga,pero nasa isip ko lang kung tumugon siya sa halik mo,baka ako ang nasa isip niya at hindi ikaw" nakita ko namang nanggagalaiti sa galit .

"how dare you!" Sigaw niya,ambang sasampalin ako ay pinigil ko ang kamay niya.

"naging totoo ako sayo!kala ko seryoso kana sa pagbabati natin,nagkamali ako sayo nesha!" Galit na sabi ko sa kaniya,at pabalang na binitawan ang kamay niya.

"umalis kana!"sigaw ko sa kaniya,habang tinuturo ang pinto.

"oo aalis ako!,but you need to see this ,lara ,sisiguraduhin kong ako ang papalit sa pwesto mo" sabi niya at binangga ang braso ko.

napatingin naman ako sa isang envelope na hinulog niya.

tiningnan ko ito at binuksan,napahawak naman ako sa dibdib ko,bakit parang kinakabahan ako.

nanginginig akong binuksan ang envelope na iyon,ganon nalang ang patak ng luha ko ng makita si nesha at kier sa isang kama.

"k-kailan to?" Naguguluhang sabi ko sa sarili ko.

pinakalma ko ang sarili ko,dahil kilala ko si nesha,maaring sinisiraan lang niya kami.

sinunog ko ito at kumain na.naligo narin ako.

sumakay ako ng taxi at pumunta sa bahay nila kier.

pagdating ko don ay dalidali akong bumaba,nagtaka ako bakit parang walang katao tao.

"iha ikaw pala," napukaw ang ni yaya miling ,kaya ngumiti ako dito.

"Yaya,andito poba ulit si kier?" Tanong ko ,nagtaka naman ako kung bakit nakakunot ang noo niya.

"huh?hindi ba sinabi sayo iha?" Natigilan naman ako sa naging sagot niya.

"h-ho? Ano pong sasabihin?"

"Umalis na ng bansa si kier,dun na muna siya sa lolo niya,yun lang ang alam ko iha,baka hindi mo na siya maabutan kanina pa siya umalis" aniya,kaya agad agad akong tumakbo sa taxi ng umiiyak.

nagpahatid ako sa airport baka sakaling maabutan ko pa siya.

Umiiyak ako at hindi makagalaw.

"m-manong please pakidalian" sabi ko dito,habang humihikbi,ng makarating kami ay agad agad akong pumasok sa loob.

THE BLIND LOVE (TWIN STORY#2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon