Naglalakad lakad ako sa kalsada ,para magpahangin,hawak ko ang alaga kong aso na si cheyz ,siya ang kasa kasama ko lagi dahil sa madilim kong karanasan.siya ang taga gabay sakin san man ako magpunta,napangiti ako ng kumawag siya,hawak ko ang tali niya at siya ang nagtuturo sakin ng daan,dinig ko ang mga sigaw at mga naglalarong bata sa may garden,hindi ko mapigilang ngumiti,gaya ng iba ay nakikita nila ang liwanag pero ako ay isang madilim na kalangitan ang nakikita ko ,2 years na kong bulag ,dahil sa isang insidente ,nangyari iyon nong akoy nagaaral sa highschool,magbabarkada kami inaamin kong nalihis ako ng landas noon,mabisyo ,kasunod ng insidenteng iyon ay siyang kinamatay ng mommy at daddy ko.hinahanap nila ako non,pero hindi nila alam na sumama ako sa barkada ko para maggala at mag inom.lagi kong sinisisi ang sarili ko dahil kasalanan ko iyon,simula noon ay mag isa nalang ako tanging kasama ko nalang ang aso ko.hindi na din ako nakapag paopera sa mata dahil ako ang may ayaw,hindi ko pa ninanais na muli akong makakita sapagkat naalala ko lang ang nangyari kila mom at dad,nag iisang anak lang ako kaya mahirap man ay kinakaya ko.
"cheyz bakit ka huminto?" Taka kong tanong sa alaga ko,huminto kasi siya kaya hindi ko alam kung bakit siya huminto.
nadinig kong tumahol siya ,nagtaka naman ako ng kinapa ko siya,napatawa ako ng dinamba niya ko at dinilaan ang muka ko.
"stop it cheyz" natatawa kong sabi sa kaniya.bumaba siya at naunang naglakad.si cheyz ay regalo sakin ng boyfriend kong si JC matagal na din kami,masaya ako dahil tanggap niya ko kahit ganito ako.minsan nga ay sabi ko hiwalayan na niya ko pero siya ang may ayaw,tinanggap ko nalang iyon.
Napahawak ako sa tali ni cheyz ng lumiko siya kaya napasunod ako don.
Naramdaman kong bumangga ako sa isang matigas na bagay,kinapa ko ito,nagulat ako ng isa itong tao.nahihiya naman akong lumayo dito.
"n-nako pasensiya na po hindi ko kayo nakita!"maumanhin ko dito.
"tsk,tingnan mo natapunan nako ng coffe ko,pati yung books ko,fuck are you blind o tanga kalang talaga!"inis niyang sabi kaya napalunok ako.
"p-pasensiya na talaga" ika ko sa kaniya,at nilagpasan nalang siya.napahinga nalang ako ng malalim,dahil sa katangahan ko.
Nadinig kong may bumusina ,nagulat ako ng may humawak sakin at tumilapon kami sa may dami.
"a-aray ko" dinig kong bulong ng isang lalaki,nasa ibabaw niya ko ,tiyak kong siya ang mas napuruhan samin,dali dali akong tumayo at kinapa siya.
"a-ayos kalang ba?nako tara sa ospital" takot kong sabi sa kaniya,naramdaman kong napaupo siya.
"tsk.hindi kaba tumitingin sa dinaraanan mo!muntik ka ng masagasaan" singhal niya,napahinga naman ako ng malalim.
Kinapa ko nalang ang aso ko,
"c-cheyz asan ka" kapa ko pa,naramdaman ko namang tinayo ako ng lalaki,at pinahawak sakin yung tali ni cheyz.
naramdaman kong nakatingin siya sakin.
"b-bakit?" Hindi ko alam ang ginawa niya.
Angelo Kier:
habang umiinom ako ng coffee at nagbabasa ng libro as usual,ito ang hobby ko.
nang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay may nakabunggo sakin.
"fuck,shit!"bulong ko,napatingin naman ako sa nakabunggo sakin,napamaang ako ng makita ko ang isang babae.nakatingin ito sakin kaya bumilis ang tibok ng puso ko.napailing nalang ako at nagsalubong ang kilay ko.
"tsk,tingnan mo natapunan nako ng coffe ko,pati yung books ko,fuck are you blind o tanga kalang talaga!" Singhal ko sa kaniya,narinig ko naman ang boses niya,tila ibig kong bawiin ang sinabi ko.parang narinig ko na ang boses na iyon pero hindi ko lang alam kung asan.
nilampasan niya ko,'what the!' Inis kong sabi sa isip ko.
nakita kong patawid siya sa gitna ng kalsada,kasama ang aso niya.nakita kong may papuntang kotse sa nilalakaran niya.
"shit!" Bulong ko at inilang hakbang ko ang pagitan namin,hinaklit ko ang braso niya at ako ang umilalim para nasa ibabaw siya.
"a-aray ko" bulong ko matapos naming bumagksak sa may damo.nakita ko naman ang pagaalala sa mata niya ,hindi ko maiwasang mapangiti.napatingin ako sa labi niya,napalunok ako at napailing.
kinapa kapa niya kung asan daw yung aso niya.
nakatingin sakin ang aso niya kaya kinuha ko ang tali nito.
tinayo ko siya at binigay sa kaniya ang tali niya.
pansin kong nasa isang tingin lang siya.kinampay ko ang kamay ko sa mata niya.napagtanto ko na bulag pala siya!
"ah pasensiya na talaga mister" mahinhin na sabi niya.
"aray ko!ang sakit ng sugat ko!" Pag rereak ko,lihim naman akong napangiti dahil tiningnan niya ko,at kita ko hinahanap niya ang sugat ko.
Kinuha ko naman ang kamay niya at dinala sa gilid ng labi ko.
"d-diyan ang sakit shit! My lips" sabi ko ,napatingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"nako!,kailangan magamot yang para hindi lumala,tara sa pad ko andon ang kit ko" aniya kaya lihim akong napa yes!.napailing nalang ako dahil parang tinamaan ako sa kaniya.
Inakay ko siya sa kotse ko at pinasakay.ako nadin ang nag seatbelt sa kaniya .nakita kong nailang siya kaya napangiti ako.
"asan ba dito ang pad mo?" Tanong ko sa kaniya.tinuro naman niya yung may color pink daw na bakod,nakita kong merongnagiisang kulay pink kaya hininto ko don.
umikot ako side niya at inalalayan siyang bumaba.
"y-yung aso ko" aniya kaya kinuha ko ang aso niya,tinahulan pako.
"cheyz wag ka ng mag selos,tutulungan ko lang gamutin ang sugat ni mr. baka ano ng nangyari sakin kung wala siya diba?" Kausap niya sa aso niya,napatingin naman ako sa kaniya dahil may pagkamahinhin siya.
"you can call me kier" dagdag ko pa sa kaniya.ngumiti naman siya kaya lalo akong napalunok.
"lara"
"h-huh?" Tangang tanong ko sa kaniya,ibig kong hampasin ang noo ko,bakit bako nauutal.
"lara ang name ko" paguulit niya kaya napatango ako,binuksan niya ang bakuran niya.at pinapasok ako.
"lara!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki,napatingin ako don.
hinila niya papalapit sa kaniya si lara at tiningnan ako ng seryoso.
"sino siya ha?".tanong nitong lalaking to.
"ah siya si kier ,Jc tska kailangan ko siyang gamutin siya ang nagligtas sakin kanina" mahinhin na sabi ni lara.
"hindi! Pumasok ka sa loob,diba sabi ko sayo wag kang lalabas ng wala ako!" Inis na sabi nitong lalaking to,napakuyom naman ako ng kamay.
"sino kaba ha?ikaw ba ang kuya niya?" Maangas ko ding sabi sa kaniya,napahinto naman si lara sa paglakad.
"aba! GAgo ka pala eh! Boyfriend niya ko!" Nagulat ako ng sabihin iyon.Jc daw ang pangalan.
"umalis kana nga baka hindi kita matansiya!" Sabi niya kaya napamulsa ako.
"jc ano ba tama na,sige na kier salamat ulit" nahihiyang sabi ni lara.kaya napatango nalang ako at umalis na don,pag pasok ko sa kotse ay napahampas ako ng manibela ko.
"boyfriend?damn it!" Inis kong sabi at pinaandar na ang kotse ko.napatingin naman ako sa salamin nitong kotse.nakita kong may sugat sa pisngi ko.naramdaman ko nanaman ang hawak na iyon ni lara sakin.parang may kuryenteng dumaloy sa muka ko.
-
pagdating ko don sa bahay ay shempre todo tanong nanaman si mom,kung anong nangyari sakin.dumiretso nalang ako sa room ko at napadapang nahiga.napatawa nalang ako at napailing,parang gusto kong muliny makita si lara.
Napailing nalang ako at napasabunot nt buhok ko.
"argg!iba nato" inis kong sabi at naligo nalang ,napaharap nalamg ako sa books ko at nagbasa siguro naman hindi ko na din siya matatandaan pag nagtagal.
![](https://img.wattpad.com/cover/250437462-288-k950914.jpg)