chapter 8

609 23 0
                                    

k-kier,please dalian mo" sabi ko kay kier,hindi ako mapakali sa upuan ng kotse dahil,may nakapagsabi sa amin na naospital daw si tita,dahil sa kakahanap sakin.

napalunok naman ako at hindi mapigilang mapaluha,alam kong kasalanan ko iyon.

humihikbi ako at nahihirapang huminga.

"andito na tayo" napatango ako ng sabihin iyon,ni kier inalalayan niya kong bumaba at hindi ko mapigilang panlamigan ng kamay.

"magiging maayos din ang tita mo babe,don't worry andito lang ako sa tabi mo" hindi ko na siya sinagot dahil ang pokus ko lang ngayon ay si tita.

naramdaman kong pumasok na kami at tinanong niya kung asan si tita.inakay niya muli ako.

"anong ginagawa mo ditong babae ka ha!"narinig kong sumigaw si nesha,batid ko din na kagagaling lang niya sa iyak.

"n-nesha kamusta si tita" tanong ko sa kaniya.napasinghap naman ako ng sampalin niya ko.

"fuck,dont you dare!"galit na sabi ni kier,kaya pinigil ko ito,dahil alam ko ang nararamdaman ni nesha.

"alam mo ba na hindi na magkandarapa si mama na maghanap sayo,yun pala nasa bahay kalang ng lalakeng yan!"sumbat sakin ni nesha kaya napaiyak ako.

"wag mo kong iyakan lara!,may mangyari lang kay mama humanda ka sakin" galit niyang sabi matapos akong banggain sa balikat,narinig kong umalis siya kaya napahikbi ako.inalalayan ako ni kier na maupo at niyakap niya ko.

"k-kasalanan ko kung bakit nandito ngayon si tita"

"No,it's not your fault"sabi ni kier,kaya nadukdok ako sa kaniya.at umiiyak,todo patahan naman siya sakin pero hindi ko parin mapigilan ang luha ko.

matapos ang ilang oras ay may narinig akong nagsalitang isang doctor.

napatayo naman kami maging si nesha,na hindi tumigil sa pagiyak.

"lara,nais kang makausap ng tita mo" sabi sakin ng isang doctor kaya nagtaka ako.

"t-teka bakit siya ,eh ako ang anak dito!"sabat ni nesha,kaya napayuko ako.

tumango naman ako at inakay ako ng doctor,sa isang room ,batid ko na nandito si tita.

pinaupo ako ng doctor sa upuan ,at ipinahawak sakin ang kamay ni tita kaya napaluha ako.

"T-tita,kamusta po kayo ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya,hindi ko mapigilang mapahikbi dahil kasalanan ko kung bakit siya nandito.

"l-lara,iha gusto kong makakita kana,please kung makakakita ka man ,wag mong pababayaan ang pinsan mo" hirap niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"t-tita ano po bang sinasabi niyo,kayo po ang magaalaga samin ni nesha"sabi ko sa kaniya.naramdaman ko namang pinapaupo niya ko sa tabi niya ,kaya kinapa ko ang higaan niya at naupo doon.

hinawakan niya ang buhok ko at hinimas iyon.

"ipinangako ko kay kuya na akong bahala sayo at makakakita kang muli" hindi niya maiwasang pumiyok kaya napahikbi ako.

"a-ano pong ibig niyong sabihin hindi ko po kayo maintindihan" saad ko sa kaniya.

"h-hindi kona kaya lara,p-pero ang mga mata ko ay pupwede sayo,gusto kong makita mo ang liwanag ," umiling iling ako at hinawakan ko ang mahigpit ang kamay niya.

"t-tita ,wag po ayokong mawala kayo"

"p-pero nasa tabi mo lang ako,ang mga mata ko ang gagabay sayo " aniya kaya napayakap ako sa kaniya.

"t-tita pleasee!ayoko kayo nalang ang pamilya ko ni nesha!" Sigaw ko habang umiiyak,wala nakong pake kung magwala ako.

"miss lara" tinayo ako ng doctor kaya tinabig ko ang kamay niya.

THE BLIND LOVE (TWIN STORY#2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon