nagising ako ng may humahalik sa leeg ko kaya napamulat ako ng muka,napatingin ako kay kier,na nakangiti habang nakatingin sakin.
"good morning babe" aniya kaya inangkla ko ang braso ko sa leeg niya,pansin ko din na nakakumot lang ako,walang mga damit.
Pero si kier,ay nakasuit na,siguro ay may pasok pa siya.
"sumama ka sakin,dun ka nalang sa office ko" aniya habang tinulungan akong maupo,napangiwi ako dahil ang sakit pa ng nasa gitna ko.
"hindi na,tska ano na ring oras ,baka malate ka" sabi ko sa kaniya,yumakap naman siya sakin na parang bata kaya pinisil ko ang pisngi nito.
"gusto ko ng magka anak tayo babe" ungot niya kaya,napailing ako sa kaniya.
"pero shempre,pakakasalan muna kita" aniya kaya pinamulahan naman ako.
"ano kaba!makakapag hintay naman tayong magka anak,tska hindi naman minamadali iyon " sabi ko sa kaniya,nagulat naman ako ng pangkuin niya ko kaya hinampas ko ito.napakapit ako sa kumot na nasa katawan ko baka malaglag ito.
"ang gaan mo babe" saad niya,matapos ibaba ako sa cr.
"pumasok kana,pagod pako" sabi ko sa kaniya,pansin ko kasing hinihintay pa niya ko.
napangisi naman siya at napailing.
"okey,magiiwan ako dito ng magbabantay sayo,mauna nako,yung breakfast mo andon ,na sa kitchen tumawag ka sakin kapag may problema babe" pagbibilin niya kaya tumango ako.
niyakap niya ko sa bewang at hinalikan kaya tumugon ako dito,pinigil kona siya baka ano pang mangyari.
"pasok,na babe malalate kana" nakangiting sabi ko kaya napaasik siya,hinalikan pa muna niya ko ng smack lang bago lumabas na.
napahinga nalang ako ng malalim,at naligo na,pagkaraan ay bumaba na.
Tama nga ako andito na ang breakfast ko,napangiti ako tiyak na si kier ang nagluto nito.kaya kinain kuna iyon
napatingin naman ako sa orasan,andito ako sa sala,at nanonood ng tv.saktong mag lulunch na,napaisip naman ako kung nag lunch naba si kier.napangiti naman ako,dahil gusto ko siyang surpresahin.
pumunta ko sa kusina,at nagluto nalang ng lunch niya,habang hinihintay kong maluto ay tumawag muna ko sa kaniya.
(babe?) Bungad niya kaya napangiti ako.
"nag lunch kana babe?" Sabi ko sa kaniya.
(hmm,no pero mamaya pa?why?miss me?) Saad pa niya kaya napailing ako.
"wala tinatanong ko lang ,bakit masama?may kasabay ka siguro" pagbibiro ko sa kaniya,napatawa naman siya.
(No,may meeting pa kasi ako babe,mamaya nalang babe,i love you) saad niya,kaya napahinga ako ng malalim.pinatay kona ang tawag,may meeting pa pala siya,tiyak na hindi na siya makakakain .hinanda kona ang baunan at lalagyan nito,tinikman ko naman ang niluto kong hotdog at ham,ito lang kasi ang nakita ko sa ref,naglagay din ako ng kanin.
Nang mahanda kona lahat ay umakyat ako sa kwarto namin,at nagpalit ng damit,habang nagpapalit ako ng damit,ay parang nahilo ako kaya napaupo ako,napahawak ako sa dibdib ko,dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
napahinga naman ako ng malalim,at pakalmahin ang sarili ko.
nang makababa nako ay gaya ng sabi ni kier,nagiwan siya ng bodyguard,nag pahatid nalang ako sa company niya,pinapasok naman agad ako,binilin siguro ito ni kier.
habang naglalakad ako,ay yumuyuko sakin,ang mga empleyado niya,kaya nahiya naman ako.
napatingin ako sa isang babae ito yung dating babaeng naka usap ko nung mag aapply sana ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/250437462-288-k950914.jpg)