WYNTER'S POV.
Nagdadrive parin si Mavi saan kami papunta? Hindi ko din alam. Kase naman sinusundan parin kami! Di ako pwede lumaban kase kasama ko tong lalaking to.
Pero hanggang saan kami susundan neto? Aiissshhhh!! Bahala na nga!
"Mavi stop the car." Sabi ko at natigilan naman sya.
"What?!"
"Sabi ko ihinto mo!"
"Are you crazy? Kanina pa tayo sinusundan tapos ihihinto ko pano kung mapahamak tayo?! Pano kung mapahamak ka?!" Sigaw nya.
"Hindi ako mapapahamak kaya ko sarili ko basta dito ka lang wag kang lalabas." Sabi ko sakanya pero tinignan nya lang ako ng masama.
"No. Hindi ka lalabas."
"Ano ba ihinto mo na! Ayaw mo? Ako maghihinto sisipain kita!" I threatened him.
"Ano ba gusto mo bang mapahamak tayo?"
"Hindi tayo mapapahamak just trust me!" Sigaw ko sakanya at inunlock nya naman yung pinto.
Lumabas ako then lumabas din yung tao don sa car na sumusunod samin! Kainis panira ng araw!
"Oh? Wynter kala ko di kana lalabas eh akala ko naduduwag kan-"
"What's your problem ba?" Tanong ko at natawa naman sya. Kagigil! Tinatanong tapos tatawanan ako stupid!
"Ikaw! Kayo ng tatay mo!" Sigaw nya sakin at lumabas na yung mga kasama nya at lumapit sa akin. "I need you para makaganti ako kay Felix!" Sigaw nya ulit pero di naman sya lumalapit.
"Gaganti ka pala sa daddy ko eh bakit ako kukunin mo? Bakit hindi ka sumugod don sa company namin o sa house namin? Ako pa gagamitin mo sa tingin mo makakaganti ka dahil lang hawak moko?" Sabi ko at tumaas naman ang kilay nya.
"Oo dahil mahalaga ka sakanya! Anak ka nya kaya kailangan makuha kita!"
"At sino naman may sabi na mahahawakan mo ako?" Tanong ko sakanya pero tinitigan nya lang ako at inutusan nya ang tauhan nya na lumapit sa akin.
Sumugod na yung isa nyang tauhan pero hindi nya ako nahawakan dahil sinipa ko agad sya sa muka. Sumugod nadin yung iba pero like what i said hindi nila ako mahahawakan dahil sinuntok at sinipa ko na sila. Wala na akong pake kung makita ako ni Mavi ang mahalaga tumigil natong lalaking to sa kahibangan nya. Good thing tinuruan ako ni Nathan makipaglaban.
"Ano ba yan! Babae lang yan ni hindi nyo manlang mahawakan!" Sigaw nya.
"STUPID! Di nila ako mahawakan diba? Tara dito ikaw ang sumugod DUWAG!" Sigaw ko naman sakanya at biglang nagsalubong ang kilay nya at sumugod sakin. Pero syempre hindi nga nila ako mapapatumba like duh? Kadiri!
Sinipa ko sya at pinagsusuntok bago ko sya sakalin. Ayaw ki sana sya hawakan kaso mukang walang balak tumigit to. Akmang susugod na yung iba na nakatayo na ng biglang lumabas si Mavi sa kotse nya!
Ang kulit talaga sabing wag lalabas eh!
"Hoy ano susugod kayo sabay sabay ano pagtutulungan nyo ang babae?" Tanong nya dun sa mga tauhan neto! KAINIS!
Ending? Ayon nakikipag suntukan na si Mavi sa mga lalaki.
"B-Bitiwan m-mo n-na a-ako!" Pakiusap neto ay oo nga pala sakal ko pala sya masyado naman akong naano. "Why? So hirap naba huminga? Pano ka makakaganti aa daddy ko kung ako palang di mo na mapabagsak?" Tanong ko sakanya.
Binitawan ko sya pero syempre wala akong tiwala sakanya kaya naging alarma parin ako. Nang tignan ko sya hinahabol nya parin yung hininga nya kaya naman pumunta ako kay Mavi para tulungan sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/236458286-288-k319341.jpg)
BINABASA MO ANG
'Im inlove with the mafia's daughter' [ONGOING]
RandomIm not in danger Im the danger.