CHAPTER 08

350 12 0
                                    

WYNTER'S POV.

Nagpaalam na ako kay Xia at lumabas na ng kotse.

Naglakad nako papasok sa subdivision namin sa labas nalang ako bumaba ayaw kase namin na may ibang nakakaalam kung saan kami talaga nakatira at di na nila kailangan malaman yon.

"Good Evening po Ms. Underson." Bati nung guard sakin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad di na ako nagpasundo sa driver namin kase konti lang naman lalakarin at kaya ko naman ang sarili ko.

Medyo kinakabahan pa akong pumasok sa bahay namin.

"Where have you been Wyn bakit inabot kana ng gabi ha?" Tanong ni Dad.

"Uhm kase..Dad may sinamahan lang po ako."

"Saan?"

"Sa Mall po." Pagsisinungaling ko dahil pag nalaman nya na sa ganon ako pumunta baka abot hanggang bukas galit sakin ni Dad.

"Sinong kasama mo?"

"Friends."

"Friends? So you have friends? When? I thought you don't want friends."

"Dati yon Dad now i realized na masaya naman pala magkaroon ng friends."

"Pero hindi ka nakakasiguro kung mapagkaka-"

"They can be trusted Dad di sila tulad ng iba at hindi nila alam kung ano ako at sino ako ang alam lang nila i am one of those student na normal lang ang buhay at pwede nila maging kaibigan basta."

"Sige pano pag nalaman nila ha? Pano pag nalaman nila na anak ka ng isang katulad ko Wynter kahit balik baliktarin mo ang mundo masama ang tingin satin ng ibang tao."

"Then ibahin mo sila Dad."

"Ipapaliwanag ko sakanila na hindi talaga tayo masama diba Dad pero hindi pa ngayon hayaan nyo nalang po muna ako Dad." Dagdag ko pa at umakyat na.

Naligo lang ako at nahiga sa kama at nag isip isip pa saglit.

Bakit ko nga ba kayo pinaglalaban kay Dad panong nasabi ko na mapagkakatiwalaan kayo eh hindi naman ako sure. Sana nga mapagkatiwalaan kayo at hindi kayo plastic katulad ng iba na magaling magpanggap. Sana hindi ako magsisi sa huli na tinaggap ko ang pakikipagkaibigan nyo.

Nag play nalang ako ng music at natulog na.

KINABUKASAN...

Nagising ako sa malakas na katok ni Summer sa pinto ko.

Bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Bakit ba? Ang aga aga ang ingay mo!"

"Eh sorry na ate si mommy kase pinapagising kana."

"Why?"

"I don't know bumaba kana lang para malaman mo at malaman ko din hehe."

"Okay okay sige na maliligo lang ako bumaba kana."

"Wait ate isa pang reason kung bat ako nandito ay mang hihiram ako ng book sayo yung bagong bili mo nabasa ko kase sa internet maganda daw yon."

"Ayoko nga di ko pa tapos yon."

"Sige na ate pleaseeeee hindi na kase ako makabili kasi out of stock silaaaa."

"AYOKO."

"Pleaseeeeee-"

Hindi nya na naituloy dahil sinarahan ko na sya ng pinto.

Anong nangyayare sayong bata ka nagiging makulit kana at nawala ang takot mo sakin ngayon ah.

'Im inlove with the mafia's daughter' [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon