PROLOGUE

866 55 11
                                    


THANK YOU FOR CHOOSING TO READ WHEN REXIE MET CLAIRE

WELCOME TO THE WORLD OF MY GIRLXGIRL STORIES

Claire P.O.V

Hindi ako isang ordinaryong babae. Dahil bata palang ako ay sinasanay nako ng mga magulang ko humawak ng baril at matatalim na bagay dahil siguro ako ang susunod na magpapatakbo nang malaki naming business lahat kaming magkakapatid ay isa ng ganap na black belter sa judo at taekwondo kaya kahit walang tulong ng iba ay kaya ko ng protektahan ang sarili ko sa ano mang kapahamakan.

Fighter Academy isa sa mga pinatayo ng pamilya namin para dito kami turuan ng ibat ibang klase ng pakikipaglaban. Dito din tinuturuan ang mga Tauhan namin lalo na at marami kaming malalaking kalaban sa negosyo kagaya na lang ni Mr. Villamor ang dating sanggang dikit namin sa negosyo pero pinaka malaking kaaway namin ngayon dahil pinatalsik siya nila lolo sa kumpanya dahil sa ilegal niyang business na pagawaan ng cocaine lalo na at malinis ang negosyo namin at hindi ilegal.

Pinagbantaan ni Mr.Villamor ang buong business partner ng pamilya namin dahil isa sila sa lahat na bumoto na tagalin na siya sa samahan. Isinambahala ng pamilya namin ang pagbabanta nya hanggang sa isa sa mababang angkan na nagpapatagbo sa business namin ang pinatay ni Mr.Villamor at sunod sunod na death treat ang pinadala niya sa amin at sa pamilyang De vera , Alvarez at Azores kaya ang Mga anak nila ay isa isang dinala sa fighter academy para turuan ng angkan namin.

Unang pinadala ang mga anak nilang lalaki dahil kaylangan panilang hintayin na mag bente anyos ang anak nilang babae bago ipasok sa academy dahil mahirap ang mga pinapagawang training dito.

Diko alam na dadating ang panahon na Babalik ako sa fighter academy para bantayan ang mga anak na babae ng pamilyang De vera sila ang pangalawang mataas sa katungkulan at pamilyang Alvarez pangatlong mataas at pamilyang Azores na ika apat ang mga anak nilang babae ang kailangan kong bantayan dahil sila ang sunod na gustong patayin ni Mr.Villamor dahil inuuna na niya ang mga anak na may mataas na katungkulan bago patayin yung ibang mababang angkan. Para tuluyan ng mawala yung samahan.

Ayoko man pumayag wala nakong nagawa dahil kaylangan lalo na at isa ako sa susunod na papalit sa pwesto ng aking Ama.

Hindi ko alam na sa Academy ko pala matatagpuan ang bagong magpapatibok ng puso ko at ang babaeng mamahalin ko ng sobra.

Yeah" babae dahil lesbian ako at tanggap ng buong angkan namin yon haha. Pero mali yung iniisip nyo na panglalaki yung suot ko pati yung gupit ko ha dahil malaking Big No! Dahil babaeng babae akong manamit.

🆆🅷🅴🅽 🆁🅴🆇🅸🅴 🅼🅴🆃 🅲🅻🅰🅸🆁🅴 🅶🆇🅶Where stories live. Discover now