Claire P.O.V
Bumaba nako ng kotse at binitbit kona yung dalawa kong maleta papasok sa fighter academy.malaki na din pinagbago ng lugar dahil naging mas malawak ito.Naglakad ako papunta sa opisina ni uncle jacob kapatid ni dad at ama ni jiezel kung siguro bagong salta ako dito di malabong magkanda ligaw ligaw ako dahil sa laki ng academy.
Welcome back" bati ni uncle ng tuluyan nakong makapasok sa office nya. Niyakap nya ko at saka pinaupo sa sofa.malaki na din ang pinagbago ni uncle dahil mas kumisig ang katawan nito kahit may kaidaran na.
Kamusta kana Claire?
Hahaha eto uncle maganda pa din"
Hahaha di ka pa din nagbabago mahangin ka parin" akala ko talaga dika na babalik dito na mimiss kona kasi yung galawan mo lalo na kapag nasa ring Haha.
Natawa na lang ako.
Ilang sandali pa ng yayain nako ni uncle na lumabas kaya binitbit kona yung dalawang maleta ko na agad naman kinuha ni uncle at siya ang bumuhat.
Naglakad kami papunta sa isang opisina di kalayuan sa office ni uncle.pumasok kami sa loob at may kinausap si uncle na babae na mukhang kaidaran ko lang.
Ms.Ferrer siya si Rose ang nagaassist sa mga bagong student dito sa academy siya rin ang maghahatid sayo papunta sa condo mo. Sabi ni uncle
Kahit kabisado kona yung lugar ay kaylangan ko pa ding magpaassist dahil ang alam ng lahat ay bago lang ako dito. Btw full name ko nga pala ay Claire ferrer Suarez diko pwedeng gamitin ang Suarez dito dahil baka malaman pa nilang uncle ko si Mr.Suarez
Hi" naka ngiting sabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin bago ako senyasan na sumunod sa kanya. May lumapit sa aking lalaki at kinuha yung dalawa kong maleta. Naglakad kami papunta sa pangalawang building na kadugtong ng academy. Pumasok kami sa elevator at pinindot yung 6 floor alam kasi ni dad at uncle na ayaw ko talaga sa pinaka mataas dahil tamad akong magakyat baba dahil hanggang 16 floor tong building.
Bumukas na yung elevator at sumunod lang ulit ako kay rose. Huminto kami sa isang pinto na may numerong 364 may pinindot na password si rose para bumukas yung pinto. Pumasok na kami sa loob at iniwan ng lalaki yung maleta ko sa sala bago magpaalam sa amin at lumabas
Eto nga pala yung password ng condo mo. Pwede mo ding palitan kung gusto mo basta pindutin mo lang yung green button tapos may lalabas na dyan.pag nalagay mona yung bago mong pin pindutin mo naman yung black button. Tumango na lang ako kahit alam ko naman nayon.
Okay Thank you Rose."
Kinuha ko naman agad yung inabot nya bago tuluyang lumabas. Agad ko namang pinalitan yung pin code.
Nagpahinga muna ko bago ayusin yung mga gamit ko at ilagay sa cabinet. Naglakad lakad ako sa loob ng condo ko at pumunta sa kusina.binuksan ko yung mga kabinet at refrigerator puno ng pagkain halatang pinaghandaan ni dad to.
Claire bukas kana pumasok section 1G ka" message ni uncle jacob ang bumungad sa phone ko.
Yuh hindi lang puro physical training ang gawain dito sa academy pati utak namin may training sa pag aaral ng business. Ayaw ko man wala na kong magagawa kung di pumasok bukas.
Kinabukas alas singko pa lang ng madaling araw ay bumangon nako at naligo. Nasanay na kasi akong gumigising ng maaga.nagsuot lang ako ng black jeans at blue half shoulder crop top. Diko na sabing mahilig nga pala kong magsuot ng crop top dahil gusto kong ipagyabang yung abs ko at yung sexy kong katawan.
Sinuot ko naman agad yung rubber shoes ko dahil bawal mag heels dito. Dahil di naman training ng beauty pageant tong academy. Hinayaan ko namang naka lugay yung straight black hair ko. Kinuha kona yung bag ko sa kwarto at lumabas na ng condo.
YOU ARE READING
🆆🅷🅴🅽 🆁🅴🆇🅸🅴 🅼🅴🆃 🅲🅻🅰🅸🆁🅴 🅶🆇🅶
Novela JuvenilLumaking kakaiba si Claire Suarez sa ibang babae dahil bata palang ay sinanay na siya sa pakikipag laban. Dahil siya na ang susunod na magiging pinuno sa isang samahan kung saan ang mga Suarez ang nagtaguyod. Muli siyang babalik sa isang academy na...