HER POV
Bakit mainit? Nasan ba ako?
Unti-unti kong iminulat ang aking mata ngunit ng dahil sa liwanag at sinag ng araw ay nahirapan akong i-adjust ang aking paningin.
I turned my head to the other side at doon ko unti-unting minulat ang aking mga mata. At nakita ko ang malinis na paligid, Puti ang lahat pati itong aking hinihigaan. Unti-unti kong tinaas ang aking kamay at ramdam kong may nakatusok dito.
Nasaan ba ako? Ano bang nangyari? Itinutok ko ang aking paningin sa puting kisame at inalala ang mga bagay bagay at doon ko napagtantong wala na pala ako sa itim na tore.
"Malaya na ba ako?" Tanong ko sa aking sarili. Unti unti akong bumangon sa higaan kahit na alam kong lamog na lamog ang aking katawan ngunit para bang wala na akong nararamdaman na sakit.
"AZULAR, Ina malaya na ba ako? Hindi na ba nila ako pahihirapan? Ano na po ba ang aking gagawin?" Si Ina, inang buwan, Azular ang kanyang ngalan, sya ang nagturo sa akin ng paggamit ko ng aking minanang kapangyarihan, ngunit ng dahil masyado syang abala sa sarili nyang mga anak ay minsanan lang syang dumalaw sa akin at turuan ako.
Tinuturuan nya ako ng ibang lenggwahe, mapabanyaga man o hindi. Ang sabi nya ay para daw kapag ako ay nakalabas na ako — na sya namang nagkatotoo—— ay hindi na ako mahihirapang makisalamuha sa iba.
Napatingin ako sa may pintuan ng may maramdaman akong aurang papalapit. Sabi ni inang ay matututunan ko raw ang ibang bagay sa isang malapalasyong paaralan ngunit hindi nya naman nasabi kong anong pangalan at kung saan. Mother can predict anything that might happen in the future pero hindi ito detalyado, may ibang tao pa raw ang kayang magsabi ng detalyado.
Hindi nga ako nagkakamali ng mabuksan ang pinto ng kwartong aking kinalalagyan. There a woman having a grayed hair standing infront of me. Maganda sya? Oo naman lalo na ang greyish nitong mata mas dark ito kumpara sa akin na light na light lang. It means she's powerful pero masasabi kong di pa sya gamay sa kung ano mang specific na bagay.
"Hi! Gising ka na pala. Nagdala ako ng iyong makakain.." nakakunot naman ang aking noo dahil ni kanin ay wala naman akong nakita.
"Ay pasensya na. Anze!" Lumingon sya sa likod at doon ay may pumasok na isang nilalang at tulak tulak nito ang malaking de-gulong na lamesa at sobra ang pagkatakam ko dahil sa dami ng pagkain na aking nakikita! May prutas pa ang pinakapaborito kong kainin sa lahat. Mother only gives me fruit kapag pupunta sya at yun lang ang time na nakakakain ako dahil wala namang nagbibigay sa akin sa itim na tore.
Tinignan ko yung babae at kita ang kasayahan sa kanyang mga mata.
"Anze, iwan mo na kami dito, tatawag na lang ulit ako kapag tapos na syang kumain." Utos nito doon sa tinatawag nyang Anze.
Yumukod ito at "masusunod mahal na prinsesa." Umalis na ito saka sinarado ang pintuan. Humarap sa akin ang babae at lumapit sa akin at inalalayan akong makaupo sa gilid ng kama, dahan dahan nyang inilapit sa akin at ramdam ko ang pagwawala ng aking tiyan.
"Ayan! Okay na, kain ka na, alam kong nagugutom ka, mga walang hiya talaga ang mga Xevianan! Biruin mo babae pa talaga ang binihag nila?" Hindi ko na sya napansin at agad na nilantakan ang pagkain. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti sya ng malawak.
" Nga pala, ako si Yzll, isang wind mage, tapos nakikita ko ang mangyayari sa kasalukuyan." Then it hit me at tumingin sa kanya, sya siguro ang tinutukoy ni inang na nakikita ng detalye ang mga mangyayari. Nilunok ko ang aking nginunguya at muling tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unique Heiress
FantasíaA moon heiress that never to be found. Hiding in the dark tower under the Dark Empire in the center of the Dark forest. A moon heiress that captivated by the Dark Empire since birth. They used the moon heiress to control the Dark tower by their powe...