Prolouge

4 6 7
                                        

Zombies are everywhere...

They can attack you anytime...

   Anywhere...So be aware...

I am young and innocent...

Killing isn't my passion...

But if I want to save...

My beloved ones...

I will...

Emily's POV.

I was playing in the park when suddenly my mom took me and we go in the hospital while wearing a mask because we aren't sure if there is no more virus.

When we arrived.My mom suddenly go on the bathroom so I am here on the door of the bathroom.

Inilibot ko ang aking mata at tinawag ako ng isang bata na may hawak na bola at tumakbo ito.

Sinundan ko ito hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako.Halos pare-parehas lang ata ang daan.hindi ko mawari kung saan ako galing.

Bigla ko namang nakita ang isang Nurse na pumunta sa loob ng kwarto at sumilip ako sa bintana kung ano gagawin niya.

Nakita ko siya na may pinapakialaman,ay teka! May pinagpalit siya na parang gamot na nasa maliit na bote.

Agad itong umalis na parang hindi ako nakita.

Sunod naman ay may dumating na doctor at kinuha ang mali-liit na bote.hinabol ko ang Doctor upang sabihin na iba 'yang hawak niya ngunit hindi ako pinansin at isinara ang pinto.

Sumilip ako at bigla niya namang isinara ang kurtina ngunit nakasilip parin ako sa maliit na siwang.

Nakita kong tuturukan niya na ang Pasyenteng may Virus.kinakabahan ako.baka kung anong mangyari.

Pagtapos niyang maturukan ay wala namang nangyari kaya aalis na ako ng biglang nakita ako ng isa pang Doctor.

Bata! Bakit ka nandiyan? Baka mahawa ka sa virus”wika nito at inayos ang aking Face mask.

“Ako nga pala si Doctor Wise”pagpapakilala niya.

Aalis na dapat kami ngunit bigla kaming may narinig na Ingay mula sa kwartong aking sinilip kanina.

Nanlaki ang aming mata ng makakita kami ng dugo sa pinto na nagmumula sa loob.

Bumukas ang pinto at nakita namin ang nanghihina na Doctor.puno ito ng dugo.bigla namang may kumagat sa kanya.teka? 'yan yung pasyente ah?

Ako na dapat ang sunod na kakagatin ng biglang...

— - —

waahhh!”Sigaw ko nang magising ako,“Nightmares?”Wika ng lalaking parang nasa isang gera.

Tumitig ako sa kanya,“Nasaan ako?”tanong ko.

“nakita kitang nakahiga sa ilalim ng puno kaya dinala kita rito sa tent ko”wika niya at binigyan ako ng Soup,“Malinis 'to?”tanong ko at napangisi siya.

by the way I am Luke at may kasama pala ako nasa labas siya...siya si Gaze”pagpapakilala niya.

Bigla namang pumasok si Gaze at kumain rin.

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang mapaluha,“ikaw ano ang ngalan mo?”tanong sa akin ni Luke,parang nasa mga twenty three to twenty seven na ang mga edad nila kumpara sa akin fourteen pa lang ako.

Lumuha muli ako habang inaalala ang pamilya ko.napansin naman ni Gaze ang luha ko.

Bakit ka lumuluha?”tanong nito.

Lumingon ako sa kanya at ngumisi.ibinalik ko rin agad ang titig ko sa kinakain ko.

namiss ko lang kasi 'yung dati, pati pamilya ko”malungkot na tugon ko,“Kung puwede lang..kung puwede lang na maibalik ako sa taon na walang zombie”pambibitin na saad ko,“PAKIBALIK AKO SA DATING PANAHON!!!”Madramang sigaw ko at tinakpan nila ang bibig ko.

shhh..” sambit nilang dalawa at ilang minuto lang ay nakadinig  kami ng mga tumatakbong zombie, tila papunta sila rito.

Agad naming kinuha ang aming bag at umalis na.nakalingon ako sa kanila habang tumatakbo at bigla akong natapilok dahilan upang mahirapan akong tumayo.biglang nawala ang mga kasama ko at paglingon ko sa likod ko ay handa na akong kagatin ng mga humahabol sa amin na Zombie, ngunit biglang ...

— - —

Napabangon ako at nakita kong nasa Hospital na ako at tila tumanda ako ng dalawang taon.
Ano 'yun? Nanaginip ako sa loob ng panaginip ko? Baka na nanaginip uli ako.

Sinampal ko ang sarili ko ngunit nasaktan ako.

Kay tahimik ng paligid...tanging tunog lang ng lifeline ang maririnig mo.

Teka? Bakit nga pala ako na sa hostpital? Ano ang ginagawa ko rito. Wala akong maalala.

Walang nagbabantay sa akin,wala ang parents ko?

Tumayo ako at binuksan ang pinto.nakapatay ang ibang ilaw at ang iba ay patay sindi.

Agad ko namang nakita ang Mommy ko na nanghihina.agad ko itong nilapitan at niyakap.

“Ma-masaya ako a-anak at nagising ka na mula sa Co-co-comatose”nahihirapang sambit niya at ngumiti.anong nagyayari sayo mommy?

Bigla ko namang nakita na may sugat siya sa leeg kaya agad ko siyang inalalayan upang maghanap ng Doctor.ngunit pinigilan niya ako at iligtas ko raw ang sarili ko.Ano bang nangyayari? Panaginip ba ito?

Tinanong ko sa mommy ko kung anong date na habang kami ay naglalakad palabas ng hostpital.
At ang sagot niya ay February 21 2021.

What? Edi 16 na pala ako ngayon, ang tagal kong nacomatose.

Bigla naman akong may nakita na dalawang armadong lalaki habang papalabas kami kaya iniwan ko muna si Mommy at dahan-dahan na naglakad papunta sa kanila. Ngunit bigla akong sinugod ni mommy mabuti na lang ay binaril ito ng lalaki.ngunit binaril?binaril niya ang Mommy ko?!

Natulala ako ng ilang segundo at akmang susugurin sila ngunit biglang! Alingawngaw ng baril ang aking huling narinig bago ako sumalampak sa lupa at mandilim ang paningin.

February Twenty OneWhere stories live. Discover now