“thousand of Zombies”Doctor Wise' POV.
Madaling araw na at kinuha na namin ang aming mga gamit. Kahit inaantok pa ay pilit naming ginising ang aming mga sarili.
“let's go!”masayang Wika ni Luke at lumabas na sa building na ito.
"Pero? Paano tayo makakapunta sa Western Lark hostpital?”suhestiyon ko at Ngumisi siya.
Itinuro ni Luke ang mahabang tulay.“hindi ba't malapit lang ang Western Lark Hostpital diyan? E 'di tayo na!”wika niya.
Habang naglalakad ay kumakanta siya .nakakarindi pero nakisabay kami upang hindi rin maumay kakalakad.
Malayo pa kami unti sa tulay pero nililibang namin ang sarili namin.
Marami na ang nakaharang na Zombie kaya nagtago't nag-isip muna kami ng gagawin.
“wala na tayong magagawa”bulong ni Luke at binigyan ako ng Baseball batt.
“Tara na!”
Pinagpapalo namin at pinagpapatay ang mga Zombie na sumusugod habang sila Emily Ay pinauna na namin.
Talsikan ang mga dugo sa aming mga katawan hanggang sa isang dambuhalang Zombie ang huli naming nakasagupa.
Pagkapalo namin ay nagsitalsikan ang mga dugo at laman ng Zombie.
Tila naligo kami sa dugo.
Ang iba ay pumunta pa sa bibig ko kaya agad akong Tumakbo at lumusong sa ilog na malapit.
“fuck!” napamura na lamang ako habang lumalangoy.
Ngayon lang ako naligo sa dugo.ang ilog naman ay napalibutan ng dugo at lumulutang na mga laman at atay.iww.
“Tara na Doc.” Yaya nila Gaze at Luke habang tinutulungan akong maka-ahon.
Nagpatuloy na kami at nakita namin ang Western Lark hostpital.
At napagtanto namin na doon galing ang mga Zombie.
“paano na 'yan?”tanong ko kay Luke.
Umiling lang siya at umupo sa lupa.
Napansin ko naman na kabadong-kabado si Emily at hinahabol niya ang kanyang hininga.siguro dahil lang sa takot.
“Sigurado akong nasa Wesson Park sila”wika ni Gaze na nagpakunot sa aming noo.
Itinaas niya ang Isang papel na may nakasulat.
“wala ng paligoy-ligoy! Larga na!”masayang wika Ni Elvhi sa tonong lalake pa rin. na sanay siguro siya.
Masaya kaming naglakad at bigla namang nahimatay si Emily.
“Emily?!”paulit-ulit na wika namin.
“Doc.Bakit may basang-basa na dugo roon sa bandang tiyan niya?"tanong ni Gaze.
“Baka dumugo 'yung sugat niya noong nabaril siya”tanging Wika ko at tiningnan ito.
Nanlaki ang mata namin ng isang malaking kagat ang sa Tiyan niya.
“hindi?! Hindi natin siya papatayin agad”wika ko dahil baka barilin na lang si Emily nila Luke.
Pinosasan ko 'to habang naglalakad.
Ang utak ko ay lutang...paano na ito?
Nagising na si Emily ngunit hindi na siya ang dating Emily.
Ang mga mata ay kulay puti.ang bakat ang mga ugat niya at parang gutom na gutom na aso.
Napapaluha na Lang ako kapag nakikita siya.
Bakit pa kasi ito nangyari?
Tumingin sa akin si Luke na parang sinasabing anong gagawin namin kay Emily.
“O sige...ibubuwis ko ang buhay ko siguraduhin mo lang na mababakunahan si Emily,Na gagaling siya...Dahil mahal ko siya...hindi ko alam pero parang hindi isang kaibigan o kapatid” bulong ko kay Luke upang hindi marinig nila Elvhi.
“Alam kong tatlong taon ang agwat namin pero wala e mahal ko siya at gagawin ko ang ayaw ko para lang sa kanya”dagdag ko.
“pero Doc?”
“wala ng pero pero”wika ko at ngumiti.
“Nandito na tayo”wika ni Gaze at masayang pinapasok kami ng mga tao roon.
Base sa kanila ay muka silang mabait.agad kong pinuntahan ang mga Doctor upang sabihin ito.upang sabihin na si Emily muna ang unahin at huwag siyang patayin.
YOU ARE READING
February Twenty One
Açãowhat if you woke up from comatose and everything was so dark and silent. you stand and looked outside...and you see so many weird people. and you realized that they are...."Zombies".