"The Mentago Brotherhood"
Emily's POV.
Papalubog na ang araw nang ako'y magising.Nakatulog pala ako.ang tahimik at kita kong nahihimbing sina Luke at Gaze.
Hirap ako sa aking pagtayo ngunit tiniis ko ito.
Parang pamilyar ang bahay na ito.
Agad kong tinungo ang kwarto sa itaas at binuksan ito.oo nga pala...nasaan si Doc?
Pagpasok ko ay namalayan ko na na nasa bahay kami ng lola ko.ito ang kwarto nila Mama.
Nakita ko naman ang larawan namin.
Ito ang huli naming larawan.
Kinuha ko 'to at binulsa.Sinubukan kong hanapin si Doc.Wise ngunit wala talaga siya.hindi ko siya makita.
Lumabas ako ng hindi alam nila Luke at Gaze.Kahit mapanganib ay gusto kong makita si Doc. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
"doc?"paulit-ulit kong tawag ngunit walang sumasagot.
Naghanap pa ako ng naghanap ngunit wala talaga siya.
Malalim na pala ang gabi.kailangan ko ng bumalik.
Malapit na ako ngunit biglang may humila sa aking buhok at nakita kong may hinulog ang lalaki na isang papel na may bungo.
Mentago Brotherhood?!Dalawa sa miyembro nila ang bumaril sa amin ng mama ko!
Isinakay nila ako sa kotse at umalis na.
"anong kailangan niyo sa akin?!"Sigaw ko habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nila.nasa kotse na nga ako kailangan pa talaga hawakan?
"huwag kayong mag-alala dahil hindi ko kayo iiwan kasi hindi ako mang-iiwan kaya bitawan niyo ko!!"pagpipilosopo ko na agad naman nilang ginawa.
"ano bang kailangan niyo sa akin?!"inulit ko ang tanong ko kanina.
"ngayon lang muli kami nakakita ng Babae dahil sa Grupo namin Ay puro lalaki kaya..."pambibitin nito,"kailangan ka ng Boss namin upang maging Laruan"wika nito sa nakakadiring tono.
Sinapak ko ito at tumama ang ulo niya sa bintana ng kotse.
"F*ck you! Puputulin ko ari ng lalaking 'yon!"galit na wika ko at nakarating na kami sa patutunguhan.
Ang aking ng gate at may harang upang hindi makapasok ang Zombie.may mga bungo rin akong nakita.ano iyon totoong bungo?
Pumasok na kami sa loob at kita ko ang ngiti sa mga mukha ng bawat lalaking naroon.
F*ck ngayon lang ba sila nakakita ng mga lalaki? Tigang ata ang mga ito.
"Hoy! Kayong dalawa Elvhi pati ikaw Lokerio!"wika ng lalaki,"dalhin niyo ito sa kanyang kwarto, bigyan niyo rin siya ng pagkain at bukas ng gabi ay darating na si boss"dagdag niya.
Gagawin ba nila akong prinsesa? Dapat lang.
Inihatid naman ako ng dalawa at binigyan ng pagkain. Ayos at malinis naman ang kwarto ko at malambot ang kama.nice.
Ngunit parang ginagawang utusan lang ang dalawa rito dahil kanina napansin ko lagi silang inuutusan ng mga ibang lalake.kawawa naman sila.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Elvhi na may hawak na damit.
"Emily ito ,binigyan kita ng damit"Wika niya at inilapag ang damit.
"Teka! Saan galing 'yan?"pahabol ko bago ito umalis.
Nanlaki ang mata nito na parang nakakita ng multo,"Ah? Eh kinuha namin sa Mall noong kumuha kami ng pagkain"kabadong wika nito at umalis na.
Piling ko may tinatago si Elvhi,bakit siya kinabahan? Ano bang meron sa tanong ko.
Bigla naman akong na-iihi kaya nagtanong ako sa nakita kong lalaki kung nasaan ang banyo.
"kuya nasaan po 'yung banyo?"
"Nasa akin ata noh?"pamimilosopo nito at pinalo ang pwet ko.
Hindi ko na natadyakan dahil biglang tumagas ng unti ang ihi ko kaya agad akong naghanap ng banyo.
Pagpasok ko sa pambabaeng banyo ay nawala ang ihi ko ng may makita akong paa sa isang cubicle. Huh? Lalake tapos umiihi sa pambabae?
Nakita ko rin na pa upo ito kung umihi kaya natakot ako baka multo.agad ko 'tong binuksan at nakita si Levhi na gulat na gulat.
Wala siyang lawit?!
Nanlaki ang mata naming dalawa at bigla siyang nagsuot ng pantalon.
"ba-bakit. Wala kang lawit?"kabadong tanong ko at napangisi siya.
"shhh ka lang magpapaliwanag ako,tara doon tayo sa kwarto ko"yaya niya at umihi muna ako.
Nang nasa Kwarto na niya kami ay agad niyang sinara ang pinto at pumunta sa kama.
"ang totoo ay...babae ako"mahina niyang bulong at ipinakita ang hindi kalakihang dede niya.
Napatakip agad ako ng mata kaya natawa siya.
"eh? Eh bakit ang alam nila ay lalake ka?" tanong ko at sumimangot siya.
"noong wala pa kasi ako rito ay nabalitaan ko na na kapag babae ka ay pwede kang maging laruan ni Leonardo,ang boss namin dito. ang katunayan ay..."pambibitin nito,"miyembro ako dati ng Llevuso Gang ngunit ng bumalik ako roon ay wala na sila, sinugod sila ng mga Zombie kaya naisipan ko na maging lalaki dahil bali-balita na kapag nagsawa sayo si Leonard ay Ipapakain ka ng nakahubo sa Zombie habang pinapanood ka nila"pagpapatuloy niya.
Nagsitayuan ang aking balahibo at nanlaki ang mata.
"ngunit huwag kang mag-alala...tutulungan kita"Wika niya na nagpakalma sa akin.
Sa katunayan ay muka siyang lalaki,at babae kaya hindi talaga siya mapaghahalataan.puwera na lang kung may makahuli sa kanya.
Matutulog na sana ako ngunit...na alala ko baka nag-aalala na sina Doc.
Agad akong tumayo.Madilim na baka pwede akong makatakas.
Nagsuot ako ng binigay sa akin ni Elvhi na damit dahil ang suot ko pa rin ngayon ay ang suot ng mga pasyente sa Hostpital.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naglakad .Madilim na at tahimik.sakto ang pagtakas ko.
Bigla naman akong nagtago sa likod ng basurahan ng may makita akong lalake.
Sumilip ako at wala na siya.
Hindi namang sinasadya na sumabit ang damit ko sa basurahan dahilan ulang ito'y bumagsak.
"hoy! Gabi na ah?!"sigaw ng lalake at napatakbo ako.
Bakit ako tumakbo! Ang bob* ko dapat pala ay nagpalusot ako na iihi!
Hinabol niya at ako.paglingon ko sa likod ay huminto ito.
"tatakas ka?"mahinang boses ang narinig ko sa harapan ko.laging gulat ko ng may dalawang lalake sa likod ko.Tinali nila ang kamay ko at idinala sa madilim na Kwarto.wala itong kagamit-gamit.
"Iyan takas pa"sambit ng isang lalaki at ngumisi.muka namang nag-aalala ang lalaking nasa likod niya na nagngangalang Lokerio.
May pag-asa pa kaya ako? Makakatakas pa kaya ako? Anong gagawin ko?
Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip ko.
Katapusan ko na...

YOU ARE READING
February Twenty One
Acciónwhat if you woke up from comatose and everything was so dark and silent. you stand and looked outside...and you see so many weird people. and you realized that they are...."Zombies".