“I got bitten”
Doctor Wise' POV.
Pinili kong sumama kanila Luke dahil hindi kami ligtas lalo na't wala pa kaming karanasan sa paghawak ng baril at pumatay ng zombie.Si Emily ay nakita ko sa kalsada na binaril, mabuti na lang ay Nailigtas ko pa ito at hindi malala ang tama nito.
“Saan ba tayo pupunta?”rinig kong tanong ni Emily kanila Luke.
“Sa Western Lark Hostpital”tugon ni Luke at lumingon kay Emily Habang naglalakad.
“ayun kasi 'yung pupuntahan namin kaso namatay ang kasama namin...Bali-balita kasi na ligtas roon, at walang nakakapasok na zombie kaya marami ang naroon”pagpapaliwanag nito,“Alam mo? Naghahanap rin raw sila ng Gamot sa Virus na ito”dagdag niya at ibinaling ang tingin sa langit.
Huminto kami bigla nang may marinig kaming Kotse.
Huminto ang kotse sa amin.may tatak ang kotse na bungo simbolo ng Mentago Brother hood.
Binuksan nila ang salamin ng kotse at itinutok ang hawak nilang baril.
Ngunit ang nagmamaneho ay pinigilan sila.“Huwag niyo silang patayin”wika nito at ibinaba nila ang kanilang armas.
“kayo naman mga hunghang”pangi-iinsulto nito sa amin at ngumisi,“Say Goodbye Earth,mga hunghang”Wika niya at Bumusina ng Maraming Beses at nagpaandar ng mabilis paalis.
Nakarinig naman kami ng Grupo ng mga zombie na papalapit sa amin kaya nagsitakbuhan kami.
“Emily Bilisan mo!”Nag aalalang wika ni Gaze.
Tumakbo kami ng tumakbo upang makalayo.
Hanggang sa hindi ko namalayan ay wala na si Emily.Pagtingin ko sa likod ay nandoon si Emily na nakadapa.
Malapit na ang mga Zombie. anong gagawin ko?
Agad 'kong binalikan si Emily.Pagtakbo ko ay ang pagsabay rin ng mga zombie na humahabol.
Malapit ng makagat si Emily.Pipigilan sana ako nila Luke ng makita nila akong bumalik. Ngunit bigla kong itinulak ang zombie papalayo.
“Anong nangyari sayo? May pilay ka?”wika ko at tumango ito.
Agad ko itong binuhat.inilayo ko siya sa mga zombie habang silw Luke ay binabaril ang mga papalapit na sa amin.
Agad kaming pumasok sa Isang bahay na nakita namin upang doon muna magtago.
Nang maibaba ko si Emily ay Agad akong nakaramdam ng kirot sa bandang braso ko.
Pagtingin ko ay nanlaki ang mga mata ko.Agad akong pumasok ng Banyo at kumuha ng manipis na tela at ibinalot sa aking Braso.
Nakagat ako?!. Gulat na sambit ko sa isip ko habang nakatingin sa salamin.
Lumabas ako at nandito na sila Luke.
Agad ko namang inasikaso si Emily na nahihimbing na.
“Dito muna tayo pansamantala”Wika ni Luke habang tagaktak ang kanyang pawis.
Hinahabol naman ni Gaze ang hininga niya.
Pagtapos ay nagpahinga naman ako sa isang kwarto upang magtago na rin kapag naging Zombie na ako.
Katapusan ko na...

YOU ARE READING
February Twenty One
Actionwhat if you woke up from comatose and everything was so dark and silent. you stand and looked outside...and you see so many weird people. and you realized that they are...."Zombies".