“The world became normal Again”Emily's POV.
Marami ang nangyari, wala akong maalala.
Wala akong maalala sa pagising ko kundi ang huli ko lang na nasaksihan. Ang nakagat ako.
Hindi ko alam kung bakit ako naging tao ulit.
At hindi ko rin masilayan si Doctor Wise.
Naglalakad ako sa Mall.
Ang saya dahil ang daming tao at nagbalik na sa normal.
“Eyy Emily nandiyan ka lang pala!” wika Ni Luke at idinala niya ako sa convenience store kung saan ko sila nakilala nila Doctor Wise.
Sira parin ito hanggang ngayon. Siguro namatay na ang may-ari at hindi na nabakunahan.
Napahinto naman ako ng makita ko si Luke na nakaupo at nakasandal sa gilid ng pader.
Umupo ako sa tabi niya.
“May sasabihin ako sayo”wika niya at seryosong tumitig sa akin.
“Crush mo ko? Ayiee ikaw ah”pambibiro ko.
“hindi...kasi Si Doc. Wise...”pambibitin niya at napahinto ako sa pagtawa ng marinig ang ngalan ni Doc.
“Siya Ang naging lunas sa Pandemyang kumalat noon. Siya ang nagligtas sa lahat ng tao...”wika niya at tumigil ng ilang segundo at yumuko.
“ginawa niya...pinili niya na ipalit ang buhay niya...hindi para sa buong mundo... kundi para sayo”wika niya na nagpabigla sa akin...para sa akin?
“Kasi Mahal ka niya..hindi bilang kapatid o kaibigan...hindi niya raw alam pero mahal ka niya at gusto niya na ligtas ka”huli niyang dugtong at niyakap ko siya.
Nagsitagasan ang mga luha ko sa aking mata.
Ilang beses....ilang beses niya na akong niligtas.
At aamin ko na may gusto ako sa kanya...mahal ko rin siya.
Masaya ako na nakasurvive kami sa Pandemya ngunit malungkot dahil ang daming namatay isa na roon Si Doc.Wise na ibinuwis ang buhay para lang sa akin at hindi sa mundo.
At ngayon nakatira ako kasama si Luke at ang asawa na niya ngayon na si Elvhi kasam sina Gaze at ang anak ni Elvhi na si Amara.
Magsisimula ako ng bagong buhay.
Bagong buhay, bagong pamilya.

YOU ARE READING
February Twenty One
Akčníwhat if you woke up from comatose and everything was so dark and silent. you stand and looked outside...and you see so many weird people. and you realized that they are...."Zombies".