Dreams and Ideas

178 7 0
                                    

Chapter 1

Finally, dumating na ang most awaited day namin! Nanlalamig na yung mga kamay ko at ramdam na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Nag-start na ang first set at sa kalaban napunta ang first point. Nakakawalang gana manuod, lalo na nung pagtingin ko uli sa screen ng TV eh 3-0 na yung score. Waaaaah, masyado na ata akong nadadala sa rivalry ng La Salle at Ateneo. Eh kasi naman nakakathrill 'tong UAAP Women's Volleyball.

"There goes Galang! But, whoa Amy Ahomiro was there. A block point for Ateneo." at diyan na po nagsimula ang sigawan at sapakan namin. By the way, I'm Lace Blaine Salvador. I'm with my bestfriends/ bandmates na sobrang ingay and you can call us Four and A Half. Apat kasi kaming girls at isang baklita kaya 'yun four and a half. You can say na we're really famous in our school kasi we are all part of the volleyball team and since we have our own band and tingin ng iba na cool ang girls na nagdudrums, guitar and other band stuff eh ayun every school program ay tumutugtog kami. Si Charlotte Anne Carillo ang vocalist ng band namin and their family freaking own our exclusive school, Royal Crystalite Academy. Si Jane Angela Lucas naman ang lead guitarist ng banda, grabe, she plays like a pro! Ang baby girl naman namin, si Wendel Grande, ang bassist at si June Jay Muñoz naman ang drummer namin. Ay tama, I'm the pianist of the band. Plain ol' boring pianist. Haaaay. Tama na nga to, back to the present.

"Hoy Blaine! Tapos na yung game oh, panalo na Ateneo natin. Nanunuod ka ba ha babae ka?!" reklamo ng baklita sabay hampas ng unan.

"Gosh, I spaced out. Sorry"

"What were you thinking ba?" tanong ni Charl habang naka stare sa akin.

"Ah, wala"

"Oh okay, let's watch a movie guys." we all smiled in agreement.

"Oh, oh! Let's watch The Bucketlist, pretty please" nagpuppy eyes si Angela para ma convince kami and grabe it always works.

"Okaaaay" sabay-sabay naming sagot.

"Wends, gusto ko popcorn." sabi ko sa kanya habang nagpapacute. Nasa mansion kasi kami ng baklita at dahil ubod ng yaman ng baklang yan, isang tawag lang sa yaya sunod agad ang mga gusto.

"Eww Blaine, 'wag ka ngang magpacute. Kadiri eh! Kadirdir talaga."

"Popcorn nga kasi, yung cheesy ha."

"Wends, salihan mo narin ng Doritos." sabi ni June habang nagtetext.

"Wends, cookies." sabi ni Charl habang nakikigamit sa laptop ng bakla.

"Wends, wag mo kalimutan yung drinks!" pahabol ni Angel habang hinahanap yung DVD ng The Bucketlist.

"Aba, aba, aba. Aba, aba, aba aba. At kelan niyo pa ako naging yaya ha?" pinalo-palo niya kami ng unan isa-isa. Napaka biolenteng bakla talaga oh! At doon na nagsimula ang pillow fight namin hanggang sa napagod din kami kaya ayun nakahilata lahat sa kama. Inutusan na din ni Wendel yung yaya niya na mag-akyat ng pagkain at drinks sa kwarto niya at sinimulan na namin ang movie. At pagdating sa end ng movie, maluha-luha kaming lahat.

"We should make our own bucketlist!" sabi ko sa kanila with matching abot tengang smile.

"Eh? Pang maytaning lang naman yun eh." sabi ni Wendel.

"Pwede naman din siguro nating gawin kahit 'di pa tayo mamamatay diba? Wala namang mawawala eh." seryosong sagot ni June.

"Since mahaba pa naman buhay natin, eh what if gawin nalang natin lahat ng nakasulat sa bucketlist natin before graduation?" sabi ko. Sinundan naman yun ng mga 'sige' at 'okay' ng friends ko so, Yaaaaaay!

Author's Note

First story, first chapter. Hope you like it. I'm really sorry sa typos o grammatical errors ^_^v Feel free to leave your suggestions in the comments. DON'T FORGET TO VOTE! Thanks. -lsd

Four and a HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon