Yung buong akala mo siya na talaga, Yung kayo na, Yung walang hiwalayan na, Yung forever na talaga kayo, Yung hanggang sa pag tanda kayo parin. Pero wala eh buong akala ko lang pala lahat dahil iniwan niya parin ako. Iniwan niya ako para sa iba, binaliwala niya lahat-lahat pati narin yung pinag-samahan namin ng walong taon binaliwala lang niya para sa bago niya. Sobrang sakin dahil siya na yung buhay ko. Pero sabi nga nila makakahanap ka din ng bagong mag mahahal sayo yung mas mamahalin ka pa kaysa sa inaakala mo. Nag papasalamat din ako na iniwan niya ako kung hindi, hindi ko makikilala yung lalaking bubuo sakin, yung bumuo ng puso kong wasak na.