Chapter 11

17 2 1
                                    

Paradise

Agad din kaming umalis ni Jackson sa restaurant nakinainan namin matapos mag bayad.

Nag lalakad kaming dalawa nung sinalubong kami ng lalaki at sinabing ready na yung yacht na gagamitin namin.

Tumango lang si Jackson at nag lakad naulit.

Inayos ko muna yung camera ko para mamaya makunan ko ang magagandang tanawin sa dalampasigan.

Dahil sa hindi ako nakatingin sa dinadaan ko ay napatig ako ng bato. Kaya wala na akong nagawa kundi pumikit nalang at hinintay na mahalikan yung buhangin.

Pero ni-isang buhangin ay wala akong naramdaman kundi ang naramdaman ko ay matigas, kaya napadilat ako.

Bumugad saakin ang mukha ni Jackson na nakakunot.

Nag titigan kaming dalawa pero agad din akong umiwas nung napagtanto ko na nakakahiya yung pwesto namin.

Inayos ko yung damit ko at yung colar nung camera na nakasabit sa leeg ko.

"Dapat ay sa dinadaan mo ikaw nakatingin, mapapano ka nyan. Halika na, mamaya mo na yan ayusin pag nakasakay na tayo sa yacht" sabi nito at tumalikod na

"Thank you" pahabol kung sabi

Tumango nalang siya at nag patuloy na sa paglalakad, sumunod na din ako sakanya gaya nga nung sabi niya mamaya ko nalang ayusin yung camera ko kaya ginagawa ko yun. Hindi ko na gustong mang-yari ulit yung kanina dahil sobrang nakakahiya.

Malayo pa kami pero nakikita ko na yung yacht na gagamitin namin, ilan ba ulit kaming sasakay sa yacht? Dalawa lang diba? Bat parang napalaki ata yung nirent niyang yacht.

"Come on" sabi niya at mas nauna ng sumakat sa yate

"Napalaki ata yung nirentahan mong yate?" tanong ko

Tumingin siya sakin "Malaki ba? Ito lang kasi yung pinakamaliit nila eh" sabi nito

Tumango ako "Mahal ata nito?" tanong ko ulit

"Affordable price" sagot niya

Tumango nalang ako at hinayaang ko siyang naunang sumakay sa yate.

"Tara na" sabi nito saakin

Tumango ako at sumakay na din sa yate. Sigurado akong mahal yung pag kakarenta niya nito.

Napatingin ako sa may bandang gilid may nakaukit doon na J.W. gawa sa gintong metal.

Nagulat ako nung lumingon ako sa likuran ko ay nandoon na siya.

"Ginulat mo ko!" sabi ko

"Oh, sorry. If you wan't to rest this yacht has a room, you can go there" sabi nito

"Tagalog, hindi okay lang ako. Gusto ko kasing kunan yung magagandang tanawin na madadaanan natin." sabi ki

Tumango nalang ito at umalis. Pumunta ito sa helm at kinausap yung helmsman.

Hinayaan ko nalang silang mag usap at pumunta ako sa harap ng yate.

Lalo akong namangha sa gandang taglay ng Maldives. No wonder kung bakit maraming taong gustong makapunta dito.

Kahit kunting basura ay wala kang makikita, sobrang linaw ng dagat. Tagalang alagang-alaga.

Sinimulan ko ng manguha ng litrato para ipadala kay Elisse, dahil noon pa man ay gustong-gusto niya ng makapunta dito.

Lumingon ako sa loob ng helm pero wala ito roon, napatingin ako sa ibabaw ng helms at nakita ko sa doong nakaupo at nakatingin sa kawalan.

Tinutok ko yung viewfinder sa isa kung mata at kinunan siya ng litrato at maikling video.

The Second Time Around (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon