Chapter 28

4 1 0
                                    

Meeting the sender

Sumandal ako sa aking upuan matapos ibigay nung assistant ko yung card. Binuksan ko 'to at binasa yung nakasulat. Kumunot yung noo ko.

Ang nakalagay sa sulat ay.

"You had a way about you that made me believe in magic; I fell for your slight of hand and got lost in every illusion. Meet me at Blackbird. - J.W."

Sino kaya' to? Linapag ko yung card at pinatuloy nalang yung pag tatrabaho ko. Natigil ako sa pag basa ng report nung may kumatok sa pintuan ko at agad pumasok, bumugad saakin ang mukha ng aking assistant na may kasamang dalawang lalaking naka suot ng black suit.

Tumayo ako at hinarap sila.

"Good morning, what can I do for you?" tanong ko sa dalawang lalaki at nilipat yung tingin ko sa assistant ko

Nakuha niya ata nung tinignan ko siya kaya agad siyang nag salita at sinabi kung ano ang nais ng mga lalaking 'to.

"Ma'am andito po sila para sunduin ka." tumaas yung kilay ko at tumingin sa dalawang lalaki

"Sunduin? Bakit saan tayo pupunta?" tanong ko

"Sigurado naman ho Ma'am na natanggap mo yung imbitasyon ng aming amo." sabi nung isang lalaki

Kinuha ko yung card at pinakita sakanila "You mean this?" tanong ko

Tumango lang sila. Kaya ngumuso ako. I remember this other guy he was the one who sent me the shoes yesterday.

"Is your boss the one who sent me the package yesterday?" tanong ko

"Kita ko pong matalas po ang 'yung memorya Ma'am at naalala mo pa ako. Oho Ma'am siya nga yung nag padala sa'yo kung maari ho bang maimbitahan ka sa sinasabing tagpuan ng aming amo?" sabi ko

Napatango nalang ako dahil sa lalalim nung sinabi niya. Kinuha ko yung bag ko at sumama sakanila palabas. Nag mumukha akong inaresto sa lagay na 'to, may dalawa escort palabas ng restaurant ko. Hindi rin maiwasan na tignan ako nung mga tao pero hinayaan ko nalang silang tumingin.

Pinag-buksan nila ako ng pintuan kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Parang kinakabahan ako na ewan, nakinakabahan ako dahil makikilala ko na yung misteryosong sender. Napapailing ako at hinayaang dahil nitong dalawa lalaki sa restaurant na gustong pag tagpuan namin nung amo nila.

Isa ang Blackbird sa pinaka-mamahalin na restaurant ng manila. Maraming taong pupunta doon, kadalasan ay mga mayayamang negosyante at mag papamilya. Minsan na kaming pumunta doon nina Elisse nung umuwi yung isa naming kaklase.

Umabot kami ng kalahating oras sa kalsada dahil may kalayuan yung restaurant ko sa restaurant na pag tatagpuan namin nung misteryosong sender. Lalo pa't traffic din kaya mas lalo kaming tumagal sa kalsada.

Nag park muna yung driver at pinag-buksan ako ng pinto pag kadating namin. Nag mumukha akong prinsesa sa ginagawa nila.

Sumunod ulit ako sakanila papasok sa loob ng restaurant. Walang alinlangan kaming pinapasok nug receptionist nung may sinabi yung isa men in black pero hindi ko narinig kung ano man sinabi nito.

Pinag buksan kami nung glass door nung guard at sumunod ulit sa dalawang lalaking 'to. Tumigil sila sa lalaking nakatalikod na nakasuot din 'to ng black suit. Nagulat ako nung tumayo 'to at humarap saakin.

Nang-lalaki ang aking mata na nakatitig sakanya.

"Jackson!?" gulat kung sabi

Ngumiti siya saakin at tinignan yung paanan ko.

"I see that you're wearing the shoe I bought for you," sabi niya

Hindi ako makapag salita dahil sa gulat. Lahat nag sink-in sa utak ko ang lahat-lahat, na bakit asul na bulaklak yung pinadadala saakin dahil ang may alam lang nun na yung talaga ang gusto kung matanggap na bulaklak o kahit ano ma ay si Kevin, Elisse at siya dahil sinabi ko sakanya noong nasa Maldives kami nung pinag-uusapan namin yung tungkol sa buhay namin.

At kung paano nalaman nung sender na kailangan na kailangan ko ng bagong sapatos. Dahil siya lang ang may alam na nasiraan ako kahapon.

And sa card J.W.? It stands for Jackson Wang. Gosh. How could I not notice that? Unbelievable!

"Have a sit," sabi niya umupo agad ako

"Ano kailangan mo sakin?" agaran kung tanong kasanya kaya napangiti siya at nangalumbaba

Kumunot yung noo ko "Ano nga kailangan mo? Bakit ka nag papadala ng mga ganong bagay sakin Mr. Wang?" tanong ko

He cleared his throat "Bawal bang mag padala o mag bigay ang mang-liligaw sa kanyang liniligawan?" sabi niya kaya tinaasa ko siya ng kilay

"I didn't know you speak tagalog, at ano? Liniligawan? Bakit kilan ba ko pumayag na mang-ligaw ka?" tanong ko

Ngumisi siya "So gusto mo kung mang-ligaw sayo?" sabi niya kaya natigilan ako at napatitig sakanya

Nag make face ako "Teka, teka! Wala akong sinabing pwede kang mang-ligaw. Pinag-sasabi mo?" tanong ko sakanya

Tumawa siya sa reaction ko kaya kumunot yung noo ko "Ano yung nakakatawa? Yung totoo pinapunta mo lang ba ako dito para tawanan?" tanong ko

Tumigil siya sa pag tawa at sumeryoso na siya at tinitigan ako ng maiigi kaya medyo nailang ako "Look, I've already told you that I want you to open your heart again for someone, so I'm here. Trying to help you to fix your broken heart." sabi niya natawa ako

"What are you talking about?" tanong ko sakanya

"I don't know if you're just being hard to get or you're stupid?" sabi niya kaya agad akong tumayo

"Nawiwili ka na ata sa pang lalait mo sakin, Mr. Wang? Ang tunay na nang-liligaw hindi sinasabihan ng masasakit ang kanyang nililigawan." sabi ko kaya tumayo din siya

"I don't get you, sinabi ko lang ang totoo." sabi niya kaya umirap ako at tumalikod na sakanya para lumabas sa restaurant na 'to

Natigil ako sa pag lalakad dahil hinawakan niya kamay ko kaya lumingon ulit ako sakanya habang nakatingin sakanya ng masama.

"Where are you going?" tanong niya kaya umirap ako

"Obviously, aalis na ko!" sabi ko

Bumuntong hininga siya "Fine, I'll be careful on my words." sabi niya

Umirap ako at umupo ulit "Ikaw ah, pag ako may nakarinig pa ng pang-lalait sasamain kana sakin." sabi ko kaya tumango siya

Totoo nga sinabi niya naging mas maingat na siya sa mga sasabihin niya. Lahat nalang naririnig ko ay yung mga papuri niya.

At dahil parang gusto ko nalang ulit yung mga pang lalait niya kasi medyo nakakailang yung mga puri niya more  likely nakakadiri. Ito napansin ko din na napaka-sincere niyang tao, para siyang di marunong mag sinungaling sa kausap niya.

Kaya minsan gusto ko siyang suntukin kasi para siyang anghel na harsh minsan mag salita.

Meeting the sender today feels great. Parang natapos na din yung kaba ko pag nakakatanggap ng mga padala galing sa taong hindi ko kilala, kasi buong akala ko ay killer ito.

The Second Time Around (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon