Chapter 31

7 1 0
                                    

That smile

Nagising akong may hang-over kaya tumayo ako at nag lakad papuntang kusina ko para mag-hanap kung may makakain ako.

Bumuntong hininga ako nung wala akong nakitang makakain kahit na noodles manlang.

Umiling nalang ako at nag lakad papunta sa kuwarto ko para mag bihis. Lalabas nalang ako para bumili o kumain sa labas.

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko at pumasok. Hinayaan ko nalang yung kotse ko kung saan ako dadalhin.

Huminto ito sa harap ng isang restaurant. Yung restaurant ni Joy.

Lumabas ako sa kotse ko at pumasok sa loob ng restaurant niya. Umupo ako sa pinakasulok ng restaurant niya ayokong makita niya ako na pumunta dito at baka andito si Tita at Tito.

Linapitan ako ng isang waiter at tinanong kung anong order ko, patingin palang ako sa menu na binigay sakin nung waiter nung nakita ko si Joy na papasok sa loob ng restaurant niyang may dalang bulaklak at may kausap sa telepono niya.

That smile. It was the same as she smiles at me. I can't deny the fact that I miss her.

Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ni Jiro at Marky na si Joy na nga yung mahal ko pero sinunod ko lang yung sinabi nung utak ko na si Jaime parin yung mahal ko dahil nasanay ako na si Jaime yung iniisip ko.

Ngumiti nalang ako at sinabi sa waiter kung ano oorderin ko.

Matapos kung kumain ay lumabas na ako sa restaurant ni Joy. Tumingin ulit ako sa loob, naalala ko ulit yung mga panahon na sumasama ako kay Joy para tulungan siya sa trabaho niya. Kahit sa pag tulong sa gawaing kusina tumutulong ako.

Baka totoo nga yung sabi ni Marky na nag iba ako simula nung bumalik ako galing Macau. Kasi pinaniwalaan ko yung utak ko na si Jaime parin yung mahal ko kahit hindi na siya yung talaga mahal ko. Kahit na matagal ng napalitan ni Joy yung posisyon ni Jaime, yung iniwan niya ko.

Kahit na alam ni Joy na gagawin ko lang siyang panakip-butas wala siyang sinabi, ginawa niya parin yung lahat para mapasaya ako. Pero ako si gago, sinasaktan lang yung babaeng totoong nag mahal sakin kahit na minsan ay nakakalimutan kung pahalagahan siya.

Pilit niya paring ginagawan ng paraan para hindi ako tuluyang kumalas sakanya. Ginawa niya lahat na kahit pagmamahal niya sa sarili niya nakalimutan niya na. Dahil buong pag mamahal niya pati sa sarili niya ay binigay niya na saakin.

Ginawa ko siyang sandalan nung mga panahon na hinahanap ko yung sarili ko. Pero ako naman nang-iwan sakanya nung panahon na nakita ko na kung ano yung hinahanap ko. Yung pinaninilawaan kung mahal ko.

Bumuntong hininga nala ulit ako at agad ng tumalikod.

Nag-lakad na ako palayo sa restaurant ni Joy.

Gustuhin ko mang bumalik kay Joy pero ayoko ng masaktan siya ulit. Ayoko ko ng makita siyang malungkot. Gusto ko na siyang makitang masaya. Hindi man para saakin, okay lang basta masata siya.

The Second Time Around (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon