MASIGLA si Reira sa araw na iyon. Dala-dala niya ang alaala ng nangyari kaninang umaga sa bawat kilos niya. Pangatlong araw ng simbang gabi kanina at pangatlong umaga rin na dumalo siya ng misa at nakita niya rin sa simbahan si Simon Ker at si lolo Flor. Katunayan ay tumabi pa sa kanila ng parents niya ang mag-lolo. Magkatabi sila ni Simon Ker. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya o ano pero tila ba nagpalitan ng makahulugang ngiti ang mga magulang niya at ang lolo ng binata nang tumabi ang mga ito sa kanila. Hindi na lamang niya napagtuunan ng pansin masyado dahil nagsimula na ang misa.
Katulad rin sa nakaraang dalawang araw ay sa Tisay's Restaurant nag-almusal ang mag lolo, habang hindi pa sila nagbubukas. At sa pagkakataong iyon ay tila hindi na mukhang napipilitan si Simon Ker. Katunayan ay medyo nakikipag-usap na ito sa kanyang mga magulang at kahit sa kaniya man kaninang umaga. Iyon nga lang, sa tuwing nagbabaliktanaw ang kanyang mga magulang tungkol sa mga nakaraang pasko nila ay nag-iiba pa rin ang mood ng binata. At kapag nagiging ganoon na ay inaaliw na lamang niya ito sa pagkain.
Nakailang lagay na si Reira ng pagkain sa plato ni Simon Ker kaninang umaga nang bigla na lamang itong tumikhim. Akala niya ay nahirinan na ang binata at nag-aalalang napatingin sa mukha nito. At nagulat siya nang makitang tumatawa ang binata habang nakatakip ang isang kamao sa bibig nito at nakatingin sa kaniya. Hindi malakas na tawa, pero nakaangat ang gilid ng mga labi ni Simon Ker, umaalog ang mga balikat at naniningkit ang mga mata na kumikislap sa amusement. Umaliwalas ang mukha nito at lalong tumingkad ang kaguwapuhan. Nagmukhang tila anghel dahil napaamo ng tawa nito ang ekspresyon ng binata.
Nakatingin ito sa kaniya. "Kung palagi mo akong pakakainin ng ganito, Reira, bago matapos ang taon ay siguradong lumobo na ako," natatawa pa ring sabi nito.
Sumikdo ang puso ni Siera at lalong natulala. Napatitig lang sa mukha ni Simon Ker. Bigla ay nawala ang atensiyon niya sa kanilang paligid. Na para bang silang dalawa lamang ang tao roon. Ah, that smile, that laugh and that amused look in his eyes... such an unexpected distraction. Subalit higit na mas nakaka-distract ang pagtawag nito sa kanyang pangalan sa unang pagkakataon. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto sa kaniya na marinig na manulas mula sa bibig ni Simon Ker ang pangalan niya.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo?" bahagyang nakaangat ang mga kilay na untag sa kaniya ng binata.
Napakurap siya at nang makitang maaliwalas pa rin ang ekspresyon nito ay napangiti. "Dapat palagi kang ngumingiti ng ganiyan, Simon Ker." Natigilan ang binata at akmang mapapalis ang ngiti pero agad siyang nagsalita, "Hep, hep, hep. Huwag mo na bawiin ang ngiti mo, nakita ko na eh."
Subalit nawala na nang tuluyan ang ngiti ng binata at umiling na muling kumain.
Iyon ang nangyari kaninang umaga. At hanggang sa mga sandaling iyon ay baon ni Reira sa kanyang gunita ang tawa at ngiti ni Simon Ker. It made her steps and movements bouncy and lively.
Tumunog ang chime sa glass door ng Tisay's Restaurant. "Welcome!" masiglang bulalas ni Reira bago pa man makalingon ng tuluyan.
"Reira!"
Namilog ang kanyang mga mata at masayang natawa nang mapagtanto na si Noemi pala ang bagong dating. Kaibigan niya at kaklase noong high school na ngayon ay nagtatrabaho na sa senado bilang staff ng isang senador. Agad na lumapit siya rito at nakangiting niyakap ang babae. "Kamusta?"
Ngumiti si Noemi at gumanti ng yakap. "Hay sobrang busy. Pero napatingin ako sa kalendaryo at nang makita kong magpapasko na ay bigla kong na-miss ang masarap na bibingka niyo rito. So here I am."
Matamis na napangiti si Reira at inakay ang babae sa isang lamesa. Habang naglalakad sila ay nagku-kwentuhan sila. Kinamusta rin niya ang fiancée ni Noemi na kaklase nito noong kolehiyo at isa nang abogado ngayon. Kumislap ang mga mata ng kanyang kaibigan at umaliwalas ang mukha habang pinag-uusapan nila ang fiancée nito. Napapangiti na lamang siya, natutuwa na naiinggit na blooming at in love ang kaibigan niya.
At hindi niya alam kung masyado ba siyang obvious o matalas lang ang pakiramdam ni Noemi pero napansin niya ang mataman nitong tingin na tila ba nauunawaan ang kanyang nadarama.
"Reira, do you want to go on a date? May gusto sana akong ipakilala sa iyo," malumanay na sabi ni Noemi.
Nagitla siya at sandaling hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay napahawak siya sa magkabilang pisngi at medyo nakaramdam ng hiya. "Masyado ba akong obvious na naiingit ako sa love life mo?" mahinang tanong niya.
"What? No!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Noemi. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigit siya paupo sa katapat na silya. "Okay, aamin na ako. Hindi lang dahil na-miss ko ang bibingka ninyo kaya ako nagpunta rito. Well, you see, I have this workmate who has been so grumpy since the start of the month. Lahat kami naapektuhan na nang init ng ulo niya. Iyon pala ay nakipag-break sa kaniya ang girlfriend niya kaya siya ganoon. Busy kami sa opisina at hindi namin kailangan ng negative vibes kaya naisip ko na dapat siyang makipag-date para mawala ang pagiging grumpy at gloomy niya. At bigla kitang naalala! My bubbly, charming and pretty friend."
Kumunot ang noo ni Reira. "Teka lang ha? Parang bola iyong huli mong sinabi para mapapayag mo ako eh. Gusto mo akong makipag-date sa lalaking brokenhearted? Ayoko naman maging rebound Noemi," reklamo niya.
"But you want to fall in love, right? Gusto mo rin maranasan magkaroon ng relasyon? You need to start somewhere. At huwag ka mag-alala. Sa tingin ko ay hindi naman talaga siya brokenhearted. I don't think he likes that girl enough to feel like that. Mas bagay kayo ni Albano. Pumayag ka na please. Reira? I promise you will not get disappointed. At least pagdating sa hitsura niya. Sa ugali well, okay naman iyon eh. Medyo masungit lang pero kayang kaya mo palambutin ang puso 'non. Ikaw pa? Please?" pakiusap ni Noemi.
Nakagat niya ang ibabang labi habang nag-iisip. Tama naman ang kaibigan niya. She got to start somewhere if she wanted to fall in love and enter a relationship. Twenty five years old na siya at ang iba nga niyang kaibigan ay nagpakasal na. Habang ang mga single naman ay nakailang relasyon na. Maganda ang relasyon ng kanyang lolo at lola, ganoon din ang kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay para pa ring teenager minsan kung maglambingan. Gusto rin niya maranasan iyon.
Huminga ng malalim si Reira at kahit kinakabahan at medyo nagdadalawang isip pa rin ay tumango siya. "Sige na nga. First time ko makikipag-date, okay lang kaya?"
Lumiwanag ang mukha ni Noemi at bumakas ang pagkasabik sa mukha. "Okay na okay! Oh my God, I'm so excited. Tutulungan kita mag-ayos. Pwede ka mamayang gabi?"
Napamulagat si Reira. "Mamayang gabi na agad?"
"Oo. Kasi lalabas kaming lahat mamaya. At least iyon ang alam niya pero ang totoo ay ipapakilala kita sa kaniya at hihiwalay kami sa inyong dalawa."
Napangiwi siya. "Alam ng workmates mo ang tungkol sa akin?"
"Kaunti lang naman kami. Lima lang. Pang-anim si Albano. Mamaya ha?" nakangiting tanong ni Noemi.
May nakapang pagsisisi si Reira na pumayag siya sa gusto ng kanyang kaibigan. Ang kaso ay nakapayag na siya at ayaw niya na binabawi ang kanyang salita. Kaya huminga na lamang siya at nagkibit balikat. "Okay," usal na lamang niya.
BINABASA MO ANG
A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)
Ficción históricaMagkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw s...