Part 19

3.2K 103 1
                                    

NAPABUNTONG HININGA si Simon Ker nang maaga siyang nagising pagsapit ng lunes at magtungo sa kusina. Naroon kasi ang kanyang lolo. Tulala. Laglag ang mga balikat at halatang malungkot. Buong weekend na ganoon ito. Mula nang magtungo sila sa San Martin at malaman na wala nang balita kung nasaan ang taong hinahanap nito. Ni hindi ito nakakakain ng maayos. Hindi rin nagtutungo sa Tisay's Restaurant na naging tambayan na ng matandang lalaki. Mas mukhang miserable si lolo Florence ngayon kaysa sa natatandaan niya.

Muling bumuntong hininga si Simon Ker bago tuluyang lumapit sa kanyang lolo. "Natulog ho ba kayo o nanatili kayo rito magdamag? Umaga na, lolo," malumanay na sabi niya.

Dahan-dahan ng naging pag-angat ng tingin ng matanda sa kaniya. Pagkatapos ay malungkot na ngumiti. "Simon Ker. Umaga na nga ba? Hindi ko namalayan."

Umupo siya sa katabing silya ng kanyang lolo. "Kung magiging ganito lang kayo huwag niyo nang hanapin ang taong iyon. Matanda na kayo. It's not good for you to feel depressed like this."

Umiling si lolo Florence. May malungkot pa ring ngiti sa mga labi. "I need to find her, Simon Ker. At matapos kong malaman ang nangyari sa pamilya ni Ambrosio ay kailangan ko rin siya makita. Kapag dumating ka sa edad ko ngayon ay tiyak na babalik sa iyo ang mga nangyari sa iyong nakaraan. Maaalala mo ang mga taong dumaan sa buhay mo at mayroon sa mga taong iyon ang gugustuhin mong makita at makausap muli. Lalo na't..."

"Lalo na at ano po?" kunot noong tanong niya.

Huminga ng malalim si lolo Florence. "Well, nasabi na namin ni Reira sa iyo ang tungkol sa kasabihan tungkol sa simbang gabi, hindi ba? Noong unang beses kong nakumpleto ang simbang gabi, sa San Martin, ay may hiniling ako. Gusto kong malaman kung natupad ang aking kahilingan."

Kumunot ang noo ni Simon Ker. "Ano bang hiniling ninyo?"

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ng halong amusement ang ngiti ng matanda. "Ah. Hindi daw maaaring sabihin kung ano hangga't hindi nasisiguro na natupad na."

Napailing siya at napabuntong hininga. "Fine. Hindi kayo matatahimik hangga't hindi natin sila nakikita. At least tell me their whole name. May kilala akong puwedeng makatulong sa atin na kumuha ng private investigator para hanapin sila."

Lumiwanag ang mukha ni lolo Florence. "Right! Maaari nating gawin iyan. Mabuti na lamang at matalino ang aking apo, ano?" bulalas nito na tumawa pa sa sobrang tuwa. "Pacita..." Nawala ang ngiti nito at nalaglag ang mga balikat. "My God, I didn't even know her surname! Masyadong maiksi ang sandaling magkasama kami at ginugol namin iyon sa pag-uusap tungkol sa mga seryosong bagay subalit hindi namin nabanggit ang apelyido ng isa't isa."

"Si Ambrosio?" tanong ni Simon Ker.

"Ambrosio Cunanan."

Tumango siya at saka tumayo na rin. "Then we will start with him. Baka siya ay may alam kung ano ang nangyari kay Sita at kung nasaan na siya ngayon."

"Thank you, Simon Ker," namamasa ang mga matang usal ni lolo Florence.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Okay. At habang hinihintay natin ang resulta ng paghahanap ay magpahinga kayo. I don't want you to get sick."

Si lolo Florence naman ang huminga ng malalim at ngumiti. "O siya, sige. Magpapahinga na ako. Kung dadaan ka sa restaurant nila Reira ay sabihin mo sa kaniyang bukas na ako magpupunta roon." Tumayo na ito at naging pilyo ang ngiti. "Why don't you spend time together? Just the two of you."

"Lolo," malumanay na saway niya rito. Nagpapaka-matchmaker na naman kasi ang matanda.

"What? Huwag mo sabihin sa aking walang chemistry sa pagitan ninyo ni Reira. I may be old but I'm a good observant."

A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon