"Panget!" "baluga!" "chaka!" iyon na ang madalas na marinig ni Andrea simula pa noong bata pa siya. Malamang dahil immune at tanggap na niya ang katotohanan sa mga salitang iyon ay career na career na niya. Pero nang dumating sa buhay niya ang bulag na si Ezekiel ay sa wakas ay naramdaman niyang nagkaroon siya ng totoong kaibigan kahit pa na hindi nito nakikita ang itsura niya. Ngunit dumating ang araw na kinailangan na siyang iwanan ni Ezekiel para magpagamot. Gayon na lamang ang takot niyang pandirihan at iwasan nito kung sakaling makakita na ito. So tumakas na siya papuntang Manila at kahit kailan ay hindi siya nakipag-communicate rito bagamat nangako siya. Partly, tumupad naman siya. Palagi niyang sinusulatan si Ezekiel ngunit hindi naman niya ipinapadala rito. She calls him "Mr. Artist" because of his talent. Hanggang halos apat na taon na ang nakaraan ngunit binabagabag pa rin siya ng konsensiya niya. Maayos na sana ang takbo ng buhay niya ngunit bigla-biglang dumating si Mr. Artist na para bang sinisingil na siya sa mga atraso niya!
10 parts