Chapter one

68 4 0
                                    

Dear Mr. Artist,

Unang araw ko ngayon bilang second year student sa Andrews College. gaya ng inaasahan, na-bully na naman ako. normal naman sana ang lahat... pero may kakaibang nangyari...

------------

Apat na taon na simula nang una kong sulatan si Mr. Artist nang hindi naman niya natatanggap. apat na taon na rin ako dito sa Manila, nakikitira kay tita Ines kasama yung nag-iisa niyang anak na si Nina. okay naman yung buhay ko, medyo tumino naman ako dahil na rin siguro sa nakikisama lang ako.

i'm a scholar at consistent Dean's lister. tumutulong ako sa Carinderia business ng tita ko tuwing weekends. hindi naman ako nahihiya kapag may nakakakita sa aking mga kakilala ko, i never mind kasi naman looks ko palang, pampalengke na.

ngayon ang umpisa ng first semester pero parang normal lang ang lahat: traffic, ma-polusyon at masasama ang mga mukha ng mga tao...

"miss, yung buhok mo naman paki ayos!" sabi nung ale sa akin na katabi ko sa jeep. naasar na yata dahil kanina pa bumabalandra sa mukha nya yung hinahangin kong buhok.

"ay, sorry po", sabi ko na lang at inayos ko yung MAGANDA kong buhok.

after ng napaka habang traffic, nakarating na rin ako sa Adrews College. hindi po university ang Andrews pero napaka-ayos at maganda ang education system dito.

matapos kong batiin si kuya guard, pumasok na ako ng gate. as usual, medyo kalat ang mga estudyante. may ilan pang nakatingin sa akin na para bang sinasabi: "yung PANGET na naman". but i didn't mind 

"nakakahiya talaga siya. siya lang ang student ng Andrews na nagji-JEEP!!"

napalingon ako sa nagsalita. Si Audrey Andrews, anak ng isa sa may-ari ng school namin. Maliban sa maganda siya, lagi rin siyang talo sa mga beauty contest na sinasalihan niya. nagma-malfunction  na  kasi yung mga dendrites niya sa utak, that's why.

nakataas ang isa niyang kilay na parang signature na niya. and beside her, sina Zoe at Nina, yung pinsan ko.

"Sila na naman.." ito ang lagi kong linya tuwing makikita ko silang magkakasama.

"well, unfortunately, she's the cousin of our BELABED Nina." si Zoe na nagpapanggap na Phil-Am pero foster father niya lang naman yung kanong asawa ng mama niya ngayon. "pity on you..." lumingon pa siya sa pinsan ko at nagdrama pa.

"duhhh... and that's the UGLY truth!" at talagang pinagdiinan pa ni Nina ang salitang "ugly" sa harap ko! the face!!

hindi ko alam kung anong problema ng pinsan ko sa akin. ganyan na siya simula nang tumira ako sa kanila. but i think it's about her jealousy dahil close sa akin si Tita Ines while she keeps on rebelling on something.

at ang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa akin ng mga babaeng ito? well...

second year high school na ako nang mag-transfer ako sa lungsod. parehas kami ng pinasukan ni Nina then i met her SUPER MAARTE/NAGMAMAGANDA/NAGMAMAMAYAMAN na mga ka-friendship. dedma lang naman sila sa akin ng una while me, shy-type lang dahil bukod sa mukha akong manang na probinsiyana, mukha rin akong baluga na naligaw sa lungsod!! (no offense, XD)

then sa naging very snob na sa akin si Nina. minsan ko siyang nahuli ng mga kaibigan niya na pinagtatawanan ako. okay lang naman sa akin nung una kaso mga 1 year later, na-discover ko ang tinatawag na "skeleton in the closet" ni Zoe. at nung JS Prom namin nung 3rd year na kami, napahiya ko si Audrey habang rumarampa siya papuntang stage dahil nominated siya as the Prom Princess (i accidentally stepped on her gown kaya bigla siyang nadapa. alam niyo na siguro ang facial expression niya nun).

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon