Chapter Seven

27 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Dear Mr. Artist,

Sa wakas kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko nang ipaalam ko na kay Lance ang nangyari sa atin. Matagal ko na kasing dinadala ang hirap… Isa pa, gusto kong  malaman mo na kahit ano pang panlalait ang gawin mo sa akin, tatanggapin ko pero hindi na ako papaapi kapag napuno na ako sa’yo.

 

Umpisa na ng Sport's Fest at buong week iyon. May sinalihan akong dalawang  palaro: patintero at volleyball. Sa patintero, kakampi ng team ko ang MassCom at kalaban naming ang Commerce. Well, si Ezekiel na team captain nila ay nakakatakot magbantay. Tuwing lulusot ako ay talagang hindi niya ako pinalalampas! May kasama pang killer look ang mga tingin niya kaya halos lahat ng kalaban nila sa patintero ay mga talo.

Sa Volleyball naman, kahit hindi ko man ginusto, kakampi namin ang Commerce at siya pa rin ang nag-aasta leader. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong tumira. Tuwing sa akin mapupunta ang bola ay agad niya akong haharangan at siya ang titira. At kapag siya ang tumira… kawawa ang sasalo ng bola dahil tiyak na magkakabukol iyon (actually, parang sinasadya pa niyang patamaan lagi si Lance).

“I’m exhausted!” Bulalas ni Lance nang matapos na ang last game namin.

“Yeah right. Tapos may practise pa tayo mamaya.” Sabi ko naman.

“Well… as long as you are with me, mas gugustuhin ko pang mapagod lagi.”

Nag-umpisa na naman ang cheesy line niya.

“Mamaya nga pala—“

Bog!

“Ouch!” daing ni Lance nang matamaan siya ng bola mula sa ginganap na game sa field.

Kunwaring humahangos na lumapit si Zek pero sa tingin ko ay abot-tainga na ang ngisi nito.

“I’m sorry dude—again.”

Nanggagalaiting hinarap ni Lance si Ezekiel. “Kanina ka pa talaga! May problema ka ba sa akin?”

“Woah. Calm down. I said I’m sorry—“

“Yes you did. Actually this is the fifth time!”

Pumagitna naman ako sa dalawa. Hinarap ko si Lance dahil kapag si Zek ang hinarap ko ay baka mawala ako sa sarili.

“Lance okay na, tama na. Nag-sorry na siya. Siguro para hindi na maulit na matamaan ka, umalis nalang tayo dito.”

Kumalma naman si Lance. “Fine. Let’s go.” Walang sabi-sabing hinawakan niya ako sa kamay at hinila na paalis. Hindi ko na muli pang nilingon si Zek.

Ang laban namin for Ms.and Mr. Sport's Fest ay gaganapin sa huling araw  ng linggong ito kaya naging busy talaga kaming lahat. Maraming contest at palaro. Nag-perform din ang banda nina Lance sa covered court. Medyo napahiya pa ako noon dahil may dedication pa talaga para sa akin ang performance nila.

Nang dumating ang event for the pageant. Natural na sa akin ang kabahan dahil first time kong gagawin ito sa tanang buhay ko. Nasa dressing room pa nga lang, habang tinitingnan ang mga bihis ng mga kalaban ko, nanliliit ako.

Ang napiling sport kasi ng department naming ay archery kaya mukha akong si Pocahontas sa ayos ko. Ang MassCom ay surfing kaya lang masyado yatang OA ang costume ng pinsan ko. Naka-two-piece bikini lang siya! Siguro kkung nandito si Tita ay nakurot na sa singit si Nina. Si Chloe naman, parang gangster ang ayos. Well, sabi nila ganoon talaga ang ayos ng mga bikers.

Nang matapos akong ayusan, lumabas muna ako ng dressing room  para makasagap naman ako ng sariwang hangin. Sakto namang naroon din Si Ezekiel. Pa-slow motion pa sana akong babalik ng dressing room pero nahuli na niya ako.

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon