Chapter Two

40 4 3
                                    

Dear Mr. Artist,

nang huli tayong magkita  almost four years ago, napaka bait at maalalahanin mo. kaya nga ayoko maniwala na ikaw yung nagligtas sa akin kagabi dahil ibang-iba siya kumpara sayo...

but i have this feeling na nagbalik ka na talaga matapos ng matagumpay mong operasyon sa mata. it means na nakakakita ka na ulit. pero natatakot ako na makilala mo ako-- si Andeng na nag-alaga at naging kaibigan mo sa probinsiya-- na wala palang MAAYOS na mukha na ihaharap sayo.

ganun pa man, masaya ako dahil nakakakita ka na ulit. mas mabuti na rin kung hindi mo na ako makilala... ang hiling ko lang, hindi mo ako kalilimutan at ang mga pinagsamahan natin noon.

                                                                                                                                           --Andeng

Mag-a-alas doce na ng gabi pero gising pa ako. Ang hirap talaga kapag nakita mo ang isang taong miss na miss mo na pero hindi mo man lang malapitan at makausap.

Si Ezekiel Andrews. Apo siya na amo ng lola ko sa probinsiya na isa sa mga may-ari ng school. Pero hindi ko pa rin inaasahan na makikita ko siya dito. Ang alam ko, tuluyan na silang nanirahan sa America ng pamilya niya at walang nang balak bumalik dito sa Pilipinas. Ang alam ko rin, gumagawa na siya ng pangalan doon dahil sa mga paintings at drawings niya.

Yung nangyari kagabi, hindi ko sinabi kay tita dahil baka magalala siya. Mag-iingat na lang siguro ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Nagising nalang ako nang may kumakatok sa kwarto ko na pagkalakas-lakas!

Pupungas-pungas pa akong nagbukas ng pinto.

"What is this?!" Bulaga sa akin ni Nina. Ang malas ko naman dahil siya ang una kong nakita ngayong umaga.

"Ha?" tiningnan ko yung tinutukoy niya. Cellphone niya iyon at may text message.

From: Best Zoe

 ghurl... u wudn't believe me but i saw them with my 2 eyes...! Lance and the Chaka were alone talking sa mga lockerz.... gusshhh... zooo disgusting!!

Nakatitig lang ako sa cellphone dahil hindi ko alam kung pagtatawanan ko ang text ni Zoe o pagtutuunan ng pansin yung sinasabi don.

"Totoo ba to? Kinausap mo si Lance kahapon?"

"Siya ang kumausap at lumapit sa akin", pagtatama ko.

"What?" Nanlaki ang mga mata ng pinsan ko. "Ang kapal talaga ng apog mo! bakit ka naman niya kakausapin eh baluga ka!?"

"Don't call me that!"

"At bakit? Magsusumbong ka kay Mommy? go ahead!" Dinuro niya pa ako. "At wag na wag mo na ulit lalapitan si Lance kundi--"

"Why? You're not his Girlfriend!"

"I will be his GIRLFRIEND soon, PANGET! Ako lang ang bagay sa kanya at hindi ang katulad mo na pinulot lang kung saan-saang peryahan! Isa kang mahirap na Probinsiyana na pampabigat lang sa amin ni Mommy. Ni ang makita ka ni Lance ay isa nang kasalanan--"

"Nina!"

Pareho kaming napalingon kay Tita Ines na naabutan kaming nagkakasagutan ng pinsa ko.

"Tita..."

Then ang sumunod na pangyayari ay rated SPG. sinampal ni tita si Nina.

"Napaka-sutil mo talagang bata ka!"

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon