PROLOGUE (MyFirstLetter)

107 3 1
                                    

PROLOGUE

Dear. Mr. Artist,

This is my first letter to you and i'm promising there will be more. kanina, habang papaalis ang sasakyang maghahatid sayo sa airport papuntang State, hindi ko mapigilang maiyak kasi alam ko sa sarili ko na iyon na ang huling beses na magkikta tayo.

five months na since the first time na magkakilala tayo. isa lang akon hamak na Nene na tumutulong noon sa pag-aayos sa Hacienda niyo nang dumating ang anak at apo ng amo ng lola ko. ang sungit-sungit mo  pa noon dahil sa kalagayan mo. kagagaling mo lang pala sa isang aksidente noon kaya pala hindi ka nakakakita. pero dahil makulit ako, ipinagpilitan ko sarili ko sayo, tutal, bulag ka naman kaya wala na akong hiya.

oo, nung una, ang hirap mong pakisamahan. pero naisip ko, baka ganyan ka kasi limitado na lang ang mga kakayanan mo. at higit pa sa lahat, hindi mo na magagawa ang mga bagay na gustong-gusto mo: painting, sketching, writing songs and poems... basta lahat ng uri ng arts na gusto mo. then dahil nga sa kakulitan ko, NAPILITAN kang makipagkaibigan sa akin hanggat sa halos araw-araw ay lagi na tayong magkasama. 

PERO may bagay kang hindi nalalaman sa akin. nakakita ka na ba ng panget? kung hindi pa, maswerte ka kasi bulag ka na nang makilala mo 'ko. XD. hindi mo siguro napapansin pero nung may time na magkasama tayo sa bayan, may nagtawag ng "hoy, panget!" actually, kaklase ko yun at tinatawag ako pero bigla kitang  hinila palayo.

maliit lang ako, napaka payat, negra dahil babad sa araw, maraming peklat sa  balat dahil lampa, at napaka lagkit at tigas ng buhok ko dahil sobra ang pagkakulot ng buhok ko. hindi rin makinis ang mukha ko.

alam kong mababaw ang  dahilan ko para ipangako ko sa  sarili ko na hinding-hindi na ako magpapakita sayo sa oras na magtagumpay ang operasyon mo. ayokong makita ka na mandiri sa akin at bigla na lang akong iwasan. at isa pa, nag decide na rin akong mag aral sa Manila at titira ako sa tita ko doon. maganda na rin siguro yon para sure na akong hindi na tayo magkikita.

sayang nga lang, nangako ka pa naman na gusto mo akong i-PAINT pag nakakakita ka na ulit, ang inaalala ko lang, kaya mo ba ako? baka kasi maubos yung black paint mo pag ginawa mo yon.

isa lang ang maipapangako ko... araw-araw kitang susulatan... 

ang hindi ko lang alam, KUNG mababasa mo pa...

                                                                                                                --Andeng

-----END OF PROLOGUE----

 

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon