Chapter Five

29 2 0
                                    

CHAPTER FIVE

Dear Mr. Artist,

Alam ko sa pagdarating mo, hindi na magiging maayos ang lahat. Gayunpaman, pipilitin kong maging normal… na para bang wala ka lang. tanggap ko na na tuluyan ka nang nagbago. Para sa akin, ang mga sulat na ginagawa ko ay para sa’yo lang… kahit hindi mo pa mabasa.

Magkasama kami ni Lance na naglalakad sa hallway nang may makasalubong kaming mga babaeng umiiyak.

“I can’t believe it! Bakit kailangang maging masama ang gwapong katulad niya?” Sabi ng isang babae.

“Yeah… well, bakit gano’n siya? Ni hindi man lang niya niya binasa ang love letter natin bago niya punitin… huhuhu.”

Nagkatinginan kami ni Lance.

“Sino kaya ang tinutukoy nila?” Tanong ko.

Natawa lang sa akin si Lance. “Ikaw talaga. Sino ba dito sa school ang lalaking kayang manakit ng babae? It’s so obvious that that’s Zek.”

Hindi ako sumagot. Oo nga naman, si Ezekiel lang ang kilala kong lalake na nananakit ng damdamin ng babae.

“Andrea. Do you think he’s acttractive?”

Napamulagat naman ako sa sinabi niya. “What? Bakit mo naman natanong ‘yan?”

“Well, sa kabila ng kamalditohan ng Zek na yan, marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Ikaw ba, hindi kaba… you know…”

“Of course he’s attractive. Pero hindi ko gusto sa lalake ang napaka-ungentleman!”  feeling ko, nagsisinungaling ako sa sinabi ko.

“So hindi ko siya dapat pagselosan?”

“Hay naku Lance. Siyempre hindi mo siya dapat pagselosan!” Medyo naurong ang dila ko. “Siya nga pala, bakit ka naman magseselos? Hindi pa naman tayo.”

Inakbayan ako ni Lance na ngiting-ngiti. “Ikaw na ang nagsabi, hindi pa tayo. I’m sure konting tiis na lang, sasabihan mo na ako ng ‘I love you’.”

Okay I admit, napunta ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Medyo nakakatakot ang next class ko ngayon. Why? Kaklase ko lang naman ngayon si Ezekiel. Another thing: ngayon ang seating arrangement at base sa aking instinct, magiging KATABI KO SIYA!

Sana lang late siya ngayon para kahit papano ay ma-delay ang pagsabog ng dibdib ko…

Pero pagpasok ko sa classroom, sabihin na lang natin na hindi pinakinggan ni Lord ang panalangin ko.

Hayun si Mr. Artist, natutulog sa isang tabi.

Nagbakasakali akong pakikinggan na ni Lord ang isa kong prayer. Na sana ay absent ang prof namin o kaya naman ay makalimutan niya ang seating arrangement.

Pero ilang minuto lang nang magumpisa ang klase—katabi ko na si Zek sa upuan.

Ni hindi ko kayang ibaling ang ulo ko dahil feeling ko kapag nakita ko siya ay katapusan na ng buhay ko. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa. Pilit nalang akong nag-concentrate sa mga pagdadaldal ng bwisit naming prof.

Mga ilang sandali pa, bahagya ko siyang tiningnan sa gilid ng mata ko. Nakayuko siya, TULOG!

Well, okay lang, kahit papano ay naging komportable ako.

Pero maya-maya lang, nag-unat ng mga braso si Zek at halatang inaasar lang ang prof namin dahil nilakasan niya pa ang paghikab niya. The worst is, natamaan niya ako kaya napa-aray ako.

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon