CHAPTER THREE
Dear Mr. Artist,
Magulo na ang buhay ko nang wala ka… pero magkakaroon yata ng dilubyo kapag bumalik ka pa.
Simula nang mabasa ko ang pangalan ni Ezekiel sa college record as a Transferee, pakiramdam ko magkakasakit ako. Ano na ang gagawin ko? Pagnakita niya ako? Kapag nalaman niyang ako si Andeng na hindi tumupad sa usapan naming magsusulatan palagi?
“May problema ba?” iyon ang boses ni Lance na nagpabalik ng huwisyo ko. As usual, nasa lugar na tahimik at walang tao kami—sa library.
Inilipat ko ang page ng librong binabasa ko. Siyempre, it is so complicated to tell Lance about my problem.
“Wala naman. Medyo wala lang ako sa mood.”
“Bakit? Ayaw mo ba ng chocolate na binigay ko?”
“Anu kaba siyempre nagustuhan ko. Wala lang talaga ako sa mood.”
Medyo nanahimik naman siya. Pero nang lingunin ko siya, nakatitig pala siya sa akin.
“b-bakit?” well, super gwapo po itong ka-face-to-face ko. Bigla tuloy akong nailang.
“Kung may problema ka Andrea tandaan mo nandito lang ako. I hate to see you like that…” Inayos pa niya ang mala-alambre kong buhok na medyo humarang sa mukha ko.
Na-touch naman ako sa sinabi niya. Kahit pala papaano, kahit kahibangan pa, mapapagaan ni Lance ang dibdib ko.
“You got a friend…” Nag-Segway pa siya ng kanta. Napangiti tuloy ako.
----------------------------------------------------------------------------------
“Nakakainis talaga! Dapat katulad na lang tayo ng ibang school na walang uniform! Hindi tuloy ako makaporma! Yes, I know. What? Nagpa-salon ka? For what?”
Napabuntong hininga na lang kami ni Tita Ines. Paano kasi si Nina, nasa nag-a-almusal kami ay nakikipag-usap naman sa cellpfone nito.
“May bagong HUNK sa school kaya ka magpapacute? Who? Cousin ni Audrey? Well good luck to you. Alam mo naman may ibang tao diyan na MALIKOT!” sabay tingin niya sa akin. “So he’s from America? An artist? Really? What his name? Zek?”
Saktong pagkarinig ko sa sa huling salita ay nasamid ako. Medyo malala ang pagkakasamid ko kaya tinulungan pa ako ni Titan a makahinga. Samantalang si Nina ay basta nalang umalis dahil papasok na raw siya.
Zek? Ang tinutukoy ba nila ay si Ezekiel?
PAPASOK NA SI EZEKIEL?!
Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa school. Simula kasi kanina sa kainan, nawalan ako ng gana pumasok.
“wag ka ngang maging nega, Andrea. Ano naman kung schoolmate na kayo ni Ezekiel? Bulag siya noon kaya malamang na hindi ka na niya makilala ngayon!”
Tama! Walang paraan para malaman niya na ako at si Andeng ay iisa!
Pero bigla nalang nagdilim ang paningin ko! Mag-re-react na sana ako kaso nalaman kong may nakatakip lang palang mga kamay sa mata ko.
“Good morning…” aahh… boses iyon ni Lance! Lagi talaga niya akong sinu-surprise!
Nang pakawalan na niya ako, may red rose na agad sa harap ko!
Tinanggap ko naman iyon. Pero hindi pa pala tapos ang kalokohan niya…
Sa likod namin, nandoon sina Aron, James at Rein—mga ka-banda niya. May bitbit pang classic guitar si Aron!
BINABASA MO ANG
Letters To Mr. Artist
Teen Fiction"Panget!" "baluga!" "chaka!" iyon na ang madalas na marinig ni Andrea simula pa noong bata pa siya. Malamang dahil immune at tanggap na niya ang katotohanan sa mga salitang iyon ay career na career na niya. Pero nang dumating sa buhay niya ang bulag...