Chapter Six

25 2 0
                                    

CHAPTER SIX

Hindi pala madali ang sumali sa mga pagandahan. Yung tipong pati sa bahay niyo ay makikipagkumpetensiya ka pa sa pinsan mong candidate din. Pagdating naman sa school, kailangang magsakripisyo dahil kailangang magpractise.

At lalo pang naging mahirap kasi una: kasama ko si Lance sa pagpa-practise kaya medyo naiilang din ako sa mga ginagawa ko; pangalawa, nariyan din si Ezekiel. Feeling ko kailangan kong i-triple ang pag-iingat ko dahil sa presensiya niya.

At dahil wala akong escort, feeling ko ay OP ako sa lahat.

Isang beses nang nagpapahinga kami, nilapitan ako ni Lance at binigyan ng tubig. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga naghahabaang nguso ng Nina and Friends. Then pagbaling ko sa kabilang direksiyon, nagkasalubong kami ng tingin ni Ezekiel, umiinom siya ng canned soda. At tulad ng dati, katakot-takot na tingin lang ang binigay niya sa akin.

Parang pagsisishan ko pa yata na minsan kong ipinagdasal na sana gumaling na ang mga mata niya.

Nagbalik kami sa pagpa-practise. Pero nakakapangalahati pa lang kami ay nasira ang sound system. Kailangan pa naman naming sabayan ang music para makakuha ng tamang tiyempo. Muli na naman kaming natunganga dahil hihintayin pa naming maayos iyon.

“Well guys,” ani Zoe. “Since I have this feeling that it will take longer before they could fix the sound system, why don’t we play something?”

“Yes, I think so.” Si Nina.

“Ano naman ‘yan?”

“Ah ganito nalang. Spin the bottle, then kung sino ang taya, he or she will confess something about his or her life.”

Well, akala ko magdi-disapprove ang mga kasama ko pero dahil sa kawalan ng magawa, pumayag naman ang lahat—napilitan actually.

Gumawa kami ng bilog, at akalain mong naghimala ang langit. Sumali sa walang kwentang laro si Ezekiel. Ang nakakagulat pa, yung katabi ko pinaalis niya at siya ang pumalit. In short, napapagitnaan ako niya at ni Lance.

Si Zoe ang nag-spin ng bote para sa unang round. Natapat  kay (I really don’t know). Nagconfess ito about sa pang-aahas daw niya sa boyfriend ng bestfriend niya:

“Mahal na mahal ko kasi si Facundo kaya pati best friend ko ay sinaktan ko, huhuhu…” wow, at umiyak pa talaga siya.

Next spin naman ay natapat kay (who cares who he is?).  Sinabi lang naman niya nang time na nagipit siya sa pera ay namakla siya:

“Diring-diri talaga ako pero tiniis ko dahil hindi ko kayang i-date ang GF ko sa pipitsuging restaurant…” Wow,mahal na mahal niya siguro ang GF niya,

Marami pa ang mga nagconfess tungkol sa buhay-buhay nila. Nauna pa nga si Lance sa akin.

“I really love music. Actually hindi sang-ayon ang parents ko sa pagba-banda ko dahil natatakot silang mapabayaan ko ang pag-aaral ko. But thank God, napatunayan ko sa kanila na kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at pagba-banda ko—“

“How about having a girlfriend?” Eksena bigla ni Nina.

“Well, I can’t say pero sa panliligaw palang, I can assure them na kaya ko pa.” Confident na sagot ni Lance na nginitian pa ako. Siyempre nag-blush ako.

Umirap lang si Nina.

Ang next spin ay natapat na kay Ezekiel. Na anticipates tuloy ako sa sasabihin niya.

“Actually, I had a very successful life back at US and maybe I could have spent my whole life there. BUT, I have something to fix first here in the Philippines…”

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon