Chapter Nine

35 3 1
                                    

Sa wakas at oras na para umuwi. Pero mukhang pahihirapan pa ako ng pinsan ko dahil hindi na siya makatayo dahil sa sobrang kalasingan.

"Pwede ko kayong ihatid," pag-aalok ni Lance. Mayroon siyang motor bike pero paano naman kami magkakasyang tatlo doon?

"S-sige ba... basta ingatan mo ako ha..." medyo nahihiya na ako sa pinagsasabi ni Nina.

"Hay naku. Magkakasya ba kayong tatlo dyan? Kasi naman, ang ibang lalaki dito mga walang sasakyan!" sabi ni Audrey na nilingon pa sina Aron.

"I have my big bike here," singit ni Zek sa amin. Medyo nakaramdam ako ng kakaiba isipin palang na aangkas ako sa motor niya...

nasa likuran niya ako...

Yayakap ako sa kanya...

"So, paki ingatan mo na lang si Nina, pare" medyo may tonong sabi ni Lance kay Zek which is very obvious. Hindi pa rin pala okay sa kanya si Zek.

Gayun pa man, disappointed ako sa sinabi niyang si Nina ang sasakay kay Zek.

"No! I would like to ride with L-lanceee..." parang bata pang nagtatakbo papunta sa motor bike ni Lance ang nag-tila anghel kong pinsan...

Nagkatinginan kami ni Zek. Medyo awkward kaya nagsalita na lang ako. "Okay lang ba sayo magmaneho? nakainom ka diba?"

Nginisian lang niya ako. "Nakainom lang ako, hindi ako lasing." Iyon lang ay inihanda na niya ang Big bike niya. Medyo alangan pa ako sumunod. Paano ako sasakay? Saan ako hahawak?

"Andrea..." si Lance na hindi yata alam ang gagawin. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero biglang lumapit si Nina.

"Lance ano ba halika na!"

Napakamot lang ng ulo si Lance bago nagpaalam sa akin. Napansin ko pa ang warning look niya kay Zek bago umalis.

"Hoy panget, halika na nga dito! Nakaalis na mga kasama natin oh!"

"Oo na!"

------------------------------------------------------------------------

Pikit-mata ako at kabang-kaba habang mabilis ang pagmamaneho ni Zek. Akala ko pa naman iko-consider niya ako na naka-gown pa hanggang ngayon.

Ang romantic sana kung mabagal lang kami, nakasakay sa kabayo... naka-formal kami pareho... at naka-hawak ako sa bewang niya...

Pero mukhang mapapatili yata ako sa sobrang nerbyos!

"Ano ba yan! Paki-bagalan mo naman!" sigaw ko sa kanya dahil alam kong hindi niya ako masyado maririnig.

"What?" ni-turn niya pa ang mukha niya sa akin.

Lalo naman akong lumapit. "Ang sabi ko bagalan mooo!!!"

"What? I can't hear you!"

"Bagalan mo--" natameme ako bigla nana marealize kong sobrang magkalapit na pala ang mga mukha namin.

Paraho kaming hindi nakapag-react at nagtitigan lang. Sana ganoon na lang kami habang buhay pero...

Napansin kong nalilihis na kami sa kalsada!

"Zek look!"

Agad naman niyang nai-ayos ang pagmamaneho kaya ng lang ay nabigla ako sa pagkabig niya ng sasakyan... Napayakap ako sa kanya!

Hindi ko alam kung napansin niya iyon. Mukha naman kasing wala siyang reaction... isa pa medyo nabawasan ang nerbyos ko ngayong kayakap ko siya.

-----------------------------------------------

Linggo. Araw ng pagtulong ko sa Carinderia ni Tita. Medyo nagihikab pa ako dahil bukod sa maaga akong gumising, hindi rin ako nakatulog ng maayos. Sino ba naman ang hindi gayong kagabi lang...

We were riding his Big Bike, my arm were around him... our faces were inches apart... and...

"Hoy babae. Nananaginip ka naman ng gising diyan! Porque nakasama mo si Zek kagabi!"

Napalingon ako sa nagsalita. My beloved pinsan na naman. Nakakapagtaka naman at naligaw ito ngayon rito. Dati kasi ay sapilitan pa itong kinukurot ni Tita para lang mapapunta ng Carinderia.

"Ang aga mo ah," comment ko para lang takasan ang sinabi nito.

"Well, kagaya mo, hindi ako masyado nakatulog," nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na tila kinikilig na kamatis. "Hindi ko talaga makakalimutan ang moment namin ni Lance!"

Sus! Kaya pala.

"Anyway, salamat dahil all this time pala, you didn't like Lance for yourself. Its's Zek you really like, right?"

Pakiramdam ko nawala ang lahat ng digo sa mukha ko. I am so speechless! Paano nalaman ng bruhilda kong pinsan ang nararamdaman ko? Halatain na ba ako?

Humalakhak si Nina at inakbayan ako. "Don't worry couz, your secret is safe with me. Nagkataon lang talaga na magaling akong manghula. and as long as hindi mo inaagaw sa akin ang Lance ko, you are safe. Understand?"

"P-pero--"

"No buts okay? Anyway, bagay naman kayo ni Ezekiel. Sabi nga nila: positive attracts negative. In short, gwapo siya, panget ka!" at sinundan niya pa iyon ng nakakalokong halakhak.

Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman. Maiinis ba o matatahimik?

Honestly, (sorry Lord) but I don't trust my cousin!

Hindi naman na ako kinulit ni Nina matapos iyon. Nagkaroon pa yata ng himala dahil ang ganda ng mood nito. Kusa na itong tumutulong sa pagse-serve sa mga customer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters To Mr. ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon