*Preview Only* Intimidating and Arrogant - 'yan si Zack Ferguson. A certified hunk and an every woman's dream. Nasa kaniya na ang lahat ng katangiang pagpapantasyahan ng mga alagad ni Maria Clara at ni Barbie! Sanay na siya ang hinahabol at wala pang babaeng sineseryoso. Anyway, wala naman siyang plano! Pero dito lang yata siya papalpak sa mataray at astig na undercover police Capt. Gwen Madrigal. Tinawag siya nitong "arogante at mayabang" dahil sa bangayan nila sa unang pagkikita. Worst, hindi siya nito kilala! Tila wala ding effect sa "Black Widow" ng alagad ng batas ang kaniyang sizzling hotness at yummyness kaya naman parang aso't pusa ang peg nilang dalawa. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mundo nila'y pinaglapit at hinamon. Kanino kayang bandera ang mauunang sumurender? Sino kaya ang unang mahuhulog sa patibong ni Kupido? Ang supladong playboy o ang astig na agent na "No Boyfriend Since Birth" pa pala ang tagging. Credits to the owner of the cover photo❤️