Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa nito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Lumipas ang tatlong taon nang magtagpong muli ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at tanggaping muli sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal niya rito? Date Started: February 8,2019 Date Finished: February 21,2019 - Date Started (Revised version): May 2,2021 Date Finished (Revised version): July 6,2023 Credits to the rightful owner/s of the photo used in this book cover.