Ang inaakalang madaling misyon ay naging masalimuot dahil lamang sa maling pag-ibig. Pag-ibig na ni minsan ay hindi naramdaman ng mga nilalang na iyon sa kanilang kinaladkan. Hindi kailanman pumasok sa isip nila na maaring ang damdamin na iyon ang magiging malaking suliranin sa misyon na mayroon sila. Sa kabilang banda, hindi naging patas ang kahit na anong mundong puntahan ni Tyler para sa kanila ng mga kaibigan niya. Hindi niya lubos maisip kung bakit pinarurusahan siya ng kalangitan kahit na mayroong mas masama kumpara sa kaniya. Ang bawat nilalang na nabubuhay dito sa lupa ay mayroong espesipikong kahilingan, iyon ay ang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mundong ginagalawan, magkaroon ng magandang kinabukasan sa paraang nais nilang makamtan, at ang mabuhay sa mundong kanilang pinapangarap. Ang malaking katanungan ay paano nila iyon mararanasan? Paano nila iyon makakamtan? Paano makakamit ang mithiin na iyon kung kailanman ay hindi naging patas sa kanila ang lahat? Hindi umaayon sa kanila ang tadhana kahit ano man ang kanilang gawin. Vita est plena obrepserit.