He is Dominique Real, hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman to pero tuwing nakikita ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko. (saksakan ba naman ng gwapo, un nga lang mukhang laging seyoso pero mabait naman at gentleman minsan nga lang masungit) I just came from a break up and i am really hurt but i am trying to move on with my life. Pero to fall inlove again ay wala sa listahang ginawa ko para sa aking moving on 101. JUST NOT NOW. Ayoko, plus lagi pang nangungulit itong si Drey, my ex. Plus he is my brother's bestfriend and sandaling panahon pa lang ng makilala ko siya personally and another plus, mukhang wala din naman siyang interest sa akin. Tanging sa kanya lang hindi tumatalab ang CHARM KO. And nagpromise ako kay kuya noon na hindi ako maiinlove sa magiging bestfriend niya at ganoon din naman siya sa magiging bestfriend ko. It is about something that happened in the past kaya gumawa kami ng ganoong kasunduan ni kuya Marco.