Drey..

45 2 0
                                    

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Sam, I just want us to talk. This is for you" at iniabot niya sa akin ang mga bulaklak na dala niya.

"I can't accept this Drey. Tigilan mo na ako." hindi ko tinanggap yung mga bulaklak na iniaabot niya.

He looks terrible, alam ko nahihirapan siya ngayon pero hindi ko pa kayang magpatawad ngayon. At kung mapapatawad ko man siya, wala ng magiging kami.

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya, those eyes... those eyes that i adored for so many years, pero ngayon... puro galit ang nararamdaman ko.

"Dom let's go" yaya ko kay Dominique.

"Sam..." hinawakan ni Drey ang kamay ko "please kahit sandali lang.." pagsusumamo nito.

"Drey let go of my hand" sinubukan kong iwaksi ang kamay niya ngunit hindi niya iyon binitawan.

"No, is he your newboyfriend?" nakayuko lang ito. Yung boses niya hindi ko malaman. walang emosyon. Pero yung hawak niya pahigpit ng pahigpit

"Drey.. yung kamay ko. Ano ba." im trying to get out of his grip

"Nasasaktan na siya. Let go of her." Matigas na sabi ni Dominique.

"Hindi ka kasali dito." sabi ni Drey.

"I said let her go" medyo tumaas na ang boses ni Dom.

Kilala ko so Drey, alam kong sa ganitong pagkakataon ay hindi siya papayag na hindi ako makausap.

"Drey, bitawan mo na ako. Kakausapin ko lang sandali si Dom, at makikipag usap ako sayo." ako na ang nagsalita.

Unti unting binitawan ni drey ang kamay ko. Iginiya ko si Dom papalabas ng shop at doon kinausap.

"Dom, i'll just talk to Drey. 15 minutes lang, okay lang ba sayo or you have other appointment. Pero... I'd really appreciate kung iintayin mo ko kasi hindi ko alam kung anong sasabihin kong dahilan kay drey para matapos agad ang usapan namin."

"Don't worry i'll wait for you in the car." sabi niya sa akin.

****

"Sam let's start all over again please, if i need to court you again. I'll do it... just give me another chance. I'll make things right." pagsusumamo ni Drey.

"Drey, tama na. hindi ko alam kung kelan kita mapapatawad. Pero kung dumating man ang araw na iyon... hindi ko na din siguro gustong bumalik." nararamdaman ko nang naiipon ang luha sa mga mata ko.

After a week ng pagiimbistiga ko nalaman ko na halos two months na din pala nila akong niloloko. Wala man lang akong kaalam alam. Inaamin ko, may natitira pa akong pagmamahal para sa kanya pero tuwing maiisip ko ang lahat ng mga panloloko niya ay binabalot ng galit ang buong puso ko.

"Sam please... don't do this to me.." hinawakan niya ang kamay ko.

"Then why did you do that to me?" Hindi ko na napihlgilan ang mga luha kong kanina pa gustong pumatak.

At first hindi siya nakapagsalita. "Patawarin mo ako, wala akong excuse na puwedeng sabihin sayo, alam kong nagkamali ako... please baby.. please give me another chance." lumapit siya sa akin at akmang yayakapin niya ako ngunit umatras ako.

"i dont know kung kelan kita mapapatawad kaya huwag mo munang ipilit ang bagay na hindi ko pa alam kung kailan, alam kong mapapatawad din kita. I know nagsisi ka na, You dont have to ask for forgiveness anymore. Pero im sorry drey buo na ang desisyon ko." at tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko na kayang makipagusap. Sobrang nanghihina na ako. Sobrang sakit.

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon