3

88 3 0
                                    

Dumating kami ni Manong driver sa restaurant ng 7:30 pm. Hindi naman gaanong katagal ang byahe dahil medyo malapit lang ang Katipunan sa Antipolo.

Napakaganda ng location ng restaurant na ito.. Overlooking. Tanaw na tanaw mo ang city lights. Nang pumasok ako sa loob ay lalo akong namangha, napaka elegante nito. Hindi ganoon kaliwanag ang ilaw pero hindi din naman madilim, sa gitna naman ng mga table ay may lampara na nakalgay at ang ilaw nito ay ngbibigay ng romantic vibes dito. Meron din itong stage at tingin ko mamaya-maya ay may bandang tutugtog.

Nakaupo sila kuya sa bandang gitna ng restaurant. Naka dark blue collar t-shirt si kuya and black gucci rubber shoes at si Dom naman ay nakablack burberry collar t-shirt and prada rubber shoes. (oha! ang talas ng mata ko, syempre dapat detalyado)

"Kuya" mahinang tawag ko kay Marco.

"Oh andiyan ka na pala. Halika umupo ka dito" at iginiya sa kanya ang kalapit na upuan.

Katapat ni kuya si Dom at ako naman ay kalapit ni kuya kaya halos magkatapat na din kami ni Dominique. Tumango lang siya ngunit hindi umimik.

Matangkad si Dom siguro 5'8 or 5'9 ata ito pero sa tingin ko ay hindi aabot ng 6'. Matangos ang ilong, medyo maputi(pero slight lang), medyo makapal ang kilay at  almond ang shape ng mga mata niya .

Kahit magbestfriend sila ni kuya hindi kami naging close ng huli. Noong naging magkaibigan kasi sila ay nataong lumipat na sa sarili niyang condo si Marco at umalis din naman ako ng Pilipinas upang magaral si Italy ng Fashion Stylist ng dalawang taon. Kungsabagay halos lahat naman ng kaibigan ni kuya ay hindi ko naging kaclose hindi katulad noong mga kaibigan ko na close din sa kaibigan ng mga kapatid nila.

Pero mayroon namang ilan din na kaibigan ni kuya na malapit sa akin. As in bilang lang literal sa isang kamay ko. Ung mga kengkoy na kaklase niya noong college na mahilig tumambay sa bahay.

"Nga pala Sam, we are meeting Mr. Matteo Risotti. He is with his wife and son. Ang asawa niya ata ang hindi masyadong sanay mag enhlish." pagiinform sa kanya ng ni Marco

"Eh ano ang palang ginagawa nila dito sa Pilipinas?" tanong niya.

"Nagbakasyon lang sila dito." si Dom ang sumagot

Nagulat si Sam ng si Dom ang sumagot, ung aura niya parang masungit at mahigpit pero pag tumingin ka sa mata niya parang na ngungusap ang mga iyon prang ang bait.

Ang gwapo niya, (ayy ano ba tong iniisip ko!) Nakoo nakakahiya talaga ng makita niya akong pagang paga ang mata at umiiyak. Naalala pa niya kaya? Bakit kasi sa lahat ng makikita ko ito pa.

Wala na akong ibang naisagot asa kanya kung "ah ganon ba"

"Marunong naman pala magenglish ung dalawa, ano gagawin ko pa dito?" baling niya sa kapatid.

"Wala naman masyado. Interpret mo lang ung ibang sasabhin nila. Alangan naman ipainterpret pa namin kay Mr. Risotti ang ssbhin ng asawa niya." paliwanag ni Marco.

wala na naman siyang naisagot kundi "ah ganon ba."  -,-

hay naman hindi ako makadaldal ang awkward! Naiisip ko na naman na nakita ako ni Dom na umiiyak.

Ano ba to, bakit ako nalulungkot ngaun? Drey....Drey....  bipolar na ata ako... this is not the right time para isipin niya.

Napatingin ako sa kay Dom at nahuli kong nakatingin siya sa akin, ngunit ibinaling kaagad niya ang tingin sa direksyon ng tinitingnan ni kuya - naghahanda na ang bandang tutugtog.

----

Maya-maya pa ay dumating na din ang inaantay namin.

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon