𝒜𝓊𝓉𝒽ℴ𝓇: 𝒮ℴℴ𝓃 𝓉ℴ 𝓅𝓊𝒷𝓁𝒾𝓈𝒽, ℐ𝓂𝓂𝒶𝒸 𝒫𝒫ℋ🦋 "𝐹𝑒𝑒𝑙 𝑡𝒉𝑒 𝑏𝑒𝑎𝑡 𝑜𝑓 𝑚𝑦 𝒉𝑒𝑎𝑟𝑡. 𝐹𝑎𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡𝒉 𝑦𝑜𝑢, 𝐼 𝑑𝑖𝑑𝑛'𝑡 𝑒𝑥𝑝𝑒𝑐𝑡. 𝐵𝑢𝑡 𝑏𝑒𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡𝒉 𝑦𝑜𝑢 𝑖𝑠 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑡𝒉𝑖𝑛𝑔 𝐼 𝑐𝑜𝑢𝑙𝑑𝑛'𝑡 𝑠𝑡𝑜𝑝 𝑒𝑣𝑒𝑛 𝑖𝑓 𝐼 𝑡𝑟𝑖𝑒𝑑." Upang makaamot ng pagmamahal mula sa kanyang ina, pinagbigyan ni Jewel ang kahilingan nito sukdulan ang bagay na iyon ay magsadlak sa kanya sa tiyak na kapahamakan. Halos pinagsakluban si Jewel ng langit at lupa sa kanyang nalaman. Walang kakayahang magkaanak ang kanyang Ate Vivian, ang paboritong anak ng ina. At kapag nanganak siya, aakuin nito ang bata at ilalayo sa kanya. Ngunit hindi lang iyon ang gumimbal sa kanya. Dahil nalaman niyang ang ama ng kanyang ipinagbubuntis, fiancé pala ng kanyang Ate Vivian. Si Red Collins. Ano'ng gagawin niya? Dapat din ba niyang paniwalaan ang sinasabi ng lalaki na matagal na siya nitong hinahanap? Na umiibig ito sa kanya?