Nang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang isa naman ay Madre, na may kakaibang kakayahan at paniniwala Sama sama nilang susugpuin ang mga kampon ng kadiliman para lang maipagtanggol ang mga mahihina at nangangailangan ng kanilang tulong Samahan po natin ang pakikipaglaban ng dalawang ito kasama pa ang iba nilang kaibigan na sasagupa at papatay sa mga aswang at iba pang kampon ng kadiliman Action at adventure ang ating mababasa