Matagal nang inaasam ni Aaron ang maranasan na maging independent. Kaya naman nang matanggap siya bilang iskolar sa isang all boys catholic school ay hindi niya na ito pinalampas pa. Aaron always sees himself as a strong person. Palaban, matapang, at lalong hindi siya papayag na apihin na lamang ng kung sinu-sino. Ito rin ang rason kung bakit madalas na ma-misinterpret ng iba ang personality niya na masungit, o di kaya naman ay suplado. Lingid sa kanilang kaalaman ay may malalim na dahilan si Aaron kung bakit siya ganito. Sa pagpasok ni Aaron sa San Carlos Riego de Jesus High School ay makikilala niya ang isang taong tutulong na madiskubre ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao, na kahit siya mismo ay hindi pa nalalaman. Nahanap na nga ba ni Aaron ang kanyang katapat? O baka naman ito ang maging dahilan ng unti-unti niyang pagbabago? ***** They once said that there's a rainbow always after the rain. But who knows where are the rainbows before the rain? Date Started: 23-06-2023 Language: Filipino