Namulat si Heidi sa makamundong gawain ng kanyang ina na nagtatrabaho bilang isang nagbibigay aliw sa mga dayuhan sundalo o negosyante. Bilang isang bunga ng isang mainit na gabi ay kinaya siyang buhayin ng kanyang ina ng mag-isa. Hindi matiyak ng kanyang ina o ayaw lang nito ipaalam sa kanya kung sino ang kanyang ama. Kung sa pisikal na anyo ay walang duda na isa siya sa naging bunga mula sa costumer nitong dayuhan. Kulay abo na mga mata. Itim na mahaba at tuwid na tuwid na buhok. Mala-kremang balat. Latina look,ika nga ng mga tao nabibighani sa angkin kagandahan niya kahit bata pa lang siya ay maraming nagsasabi na lalaki siyang maladyosang ang ganda.Mala-modelong katawan at tindig. Ngunit sa dala ng kalupitan ng mundo at sa pagbabalewala sa kanya ng kanyang ina ay natuto siyang lumaban at maging matapang. Hindi alintana kung sumunod man siya sa gawain ng kanyang ina basta maging maayos lang ang pamumuhay niya. Pera. Ang bagay na ipinagkait sa kanya ng mundo at gagamitin niya ang angking ganda at alindog upang makamit ang karangyaan ng buhay at hinding-hindi na babalik pa sa pinagmulan niya na animo'y isang hayop na maghihintay lang na tapunan ng pagkain upang makakain. Makakamit kaya ni Heidi ang ambisyon niya sa buhay? O lalagapak siya dahil sa isang maling desisyon sa kanyang buhay...puso.