Hi, ako si Vlad Torres. Vlad lang talaga, hindi Vladimir. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit Vlad. Pero ayos na rin. Siguro dahil sa foreigner siya ay kaya ganyan ang ipinangalan sa akin. Sumakabilang bahay ang tatay ko noong bata pa lang ako. Sabi ni nanay ay tatlong taon pa lang daw ako noon kaya hindi ko na maalala. Wala rin naman akong naging hinanakit sa kanya dahil wala talagang naging koneksyon sa kanya at hindi naman siya nagtangkang hanapin ako. Si nanay naman ay namatay noong bago ako mag-high school. Cancer ang ikinamatay niya, biglaan kasi nung malaman namin ay malubha na ang kalagayan niya. At dahil wala ring sapat na pera ay hindi na niya piniling magpagamot pa. Lola ko na ang kumopkop sa akin simula noon. Nagtrabaho siya noon bilang isang public school teacher hanggang sa magretiro siya sa edad na 65. May naipon siyang pera at dumarating na pension na sapat lang sa aming dalawa. Nagsimula ang kwento ko bago ako makagraduate ng Senior High School. Wag kang mag-alala, 18 na ako noon. Sana ay magustuhan niyo ang aking istorya. Kung may pagkakatulad man sa ibang kwento, pangalan o tunay na pangyayari ay pawang coincidence lamang at hindi sinasadya.
10 parts