pag tumigil ba ang oras, titigil rin ang mundo? "patawarin ninyo ako!, ako ay nagkasala!" pagmamakaawa ng babae habang nakaluhod sa harap ng lalaking isa lang ang pakpak "walang tunog na maririnig, pusong iniluwa ay siyang di na maibabalik, kasalanan nga ba ang mag hanggad ng buhay na walang kapalit?" sambit ng lalaki, nagtaka ang babae "ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong nito sabay tayo sa pagkaka-luhod inilapat ng lalaki ang kaniyang kamay sa dibdib ng babae at isang maliwanag na ilaw ang lumabas sa mga palad nito, kasunod nito ang sigaw ng babae habang umaagos ang dugo sa ilong, bibig at mata nito, makikitang nalulusaw ang katawan ng babae at isang bagay na makinang ang nagsisimulang mabuo "ang buhay na walang hanggan" pagbulong ng lalaki sa makinang na bato bago ito ihulog sa mundo ng mga tao.
6 parts