Chapter 24

209 12 0
                                    

Maverick P.0.V

Umalis na siya ng makaidlip ng maayos si Miena at agad niyang pinuntahan si Inna.

"Inna."

"Asan si Athena?! Bat di mo Siya Kasama!"

"Binaligtad ni Wilfred ang lahat, sinadya niyang mangyari ito. Alam na din ni Athena na isa akong bampira galit na galit siya sakin." 

"Ano?! Ibig mong sabihin nakuha nila si Athena, Diyos ko...baka may masama na silang ginawa  sa kaibigan ko."

"Wala pa akong maisip na lugar ng kanilang pinagtataguan." Naiirita sa sarili na ani ni Maverick habang nakahawak ang isang kamay niya sa noo.

"Maverick si Tata Karding humingi tayo ng tulong sa kanya alam kong matutulangan niya tayo sa ganitong sitwasyon."

"Pero baka—" Hindi sang-ayon si Maverick ngunit pinutol agad ni Inna ang kanyang sasabihin.

"Basta, Maverick halika na. Puntahan na natin siya."

Inisip niya nalang niya na para ito sa kapakana  ni Athena at sumang-ayon na lamang sa sinabi ni Inna, Kaya namn mabilis na hinapit ni Maverick sa kamay si Inna at mabilis na tumungo kay Tata Karding.

"Sinong masamang espiritu ang nandyan!" Matapang na sabi ni Tata Karding habang mahigpitang pagkahawak sa buntot ng pagi.

"T-tata Karding.." nanginginig na bati ni Inna.

"Ikaw yung kaibigan ni Athena Diba?"

"Opo ako nga hu...yun at may kasama po ako."

Saka lumabas si Maverick.

"Bampira." Usal pa ng matanda.

"Tata Karding sandali po, mabuti po siyang bampira, Hindi niya po kayo sasaktan."

"Paano ako maniniwala na mabuti isa siyang mabuting nilalang?"

"Dahil kagaya ko Tata Karding." pag amin ni Inna.

"Kung ganun totoo ang hinala ko, isa ka ring Bampira!"

"P-pero Tata... mortal po ang tatay ko kaya. Mortal din po ako." sabat pa nito.

"Kung gayun mali kasa iyong pinagsasabi iha, sapagkat kailanman ay hindi magiging mortal ang isang dugo ng bampira."

"A-ano... ano pong ibig niyong sabihin Tata Karding?"

Kabang tanong  ni Inna at nagkatinginan pa sila ni Maverick dahil sa sinabi ng matanda.

"Maaaring nagiging bampira kasa pag sapit ng alas-dose ng hating gabi ng hindi mo namamalayan at nagiging normal pag sapit ng alas tres ng madaling araw..."

"Tata Karding wala naman po akong maalala na nagiging Bampira ako."

"Hindi mo yun ma-aalala dahil mas malakas ang dugo ng pagiging mortal mo."

"Tata makokontrol ko paba ito?"

"Depende kung anong lahi ang pinagmulan mo."

"Ang Ina ko po ay... Isang Dark." sabat agad nito.

"Kung ganun isa kang masamang bampira, itong kasama mo?" tumingin pa ito kay Maverick.

"Ako po si Maverick... ako po ay Pinuno ng mga Light." Pagpakilala pa niya, ngumiti naman ng matipid si Tata Karding.

"Alam kong mapag kaka-tiwalaan ka.. Anong maitutulong ko sa inyo?"

"Tata Karding si Athena po nakuha ng mga Dark." sagot agad ni Inna.

"Ano!? San siya dinala?"

"Yun nga po ang pinunta namin dito kung saan matunton namin ang pinagdalhan sakanya." Paliwanag  ni Maverick na ikina-tango lamang ng matanda.

"Tatawasin natin siya pero kailangan natin ng dugo galing sa kumuha kay Athena."

"Sa mga Dark."

"Tata Karding sakin po... kadugo ko si Wilfred." Walang pag-alinlagan na sagot ni Maverick.

"Hindi ka maaari dahil Liwanag sa Liwanag at ang Dilim ay sa madilim lang lamang."

"Tata Karding kapatid ko si Wilfred."

Pag amin nito... Kaya naman napatingin si Inna sa kanya ng may pagkagulat.

"Kapatid ko si Wilfred pero nag traydor siya.. pinatay niya ang kapatid namin si Aleah. Mula nun umanib na siya sa mga Dark at hindi ko alam kung bakit... bakit siya naging pinuno dun gaya ko." paliwanag ni Maverick.

"Sige... dugo mo ang kailangan natin para matunton ang kinalalagyan nila."

Nag alay pa si tata kardo ng mga prutas at karne saka nagsindi ng kandila, Kumuha din siya ng pinggan na may tubig ar pinatak ang dugo ni Maverick. 

Nag usal pa siya ng kanyang orasyon. Saka pinatakan ng kandila ang tubig.





Athena P.0.V

Maya-maya ay nagising si Athena.
Nagising siyang nakagapos ang mga kamay niya.

"Wilfred ano ito!" Pagpupumigalas niya sa pagkakagapos.

"Mabuti at wala si Merna. Ang totoo alam ko na kung bakit ka nagustuhan ni Maverick.. kaya naman sa tingin ko nagugustuhan narin kita." lumapit pa ito kay Athena.

"Ang kapal ng mukha niyong mga Bampira."

Palaban na sabi ni Athena at dinuraan si Wilfred sa mukha kaya naman sinampal siya nito ng malakas na mababakas sa pisngi niya ang bakat niyo.

"Akin kalang Athena at hindi kita ibibigay o isusuko lamang sa iba."

"Asa ka! Dahil kailanman hinding hindi ako mapapasayo Wilfred!" Galit na tugon ni Athena.

Tinawanan lamang siya nito.

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now