Chapter 13

273 21 0
                                    

Kinabukasan.

Athena P.O.V

Nagkwekwentuhan sila ni Inna. Kinuwento niya ang lahat  ginawa nila ni Wilfred kagabi.

"Alam mo ba na hinahanap ka ng crush mo." biglang dugtong panasabi naman ni Inna.

"S-si M-maverick?"

"Yes po opo at sino paba ang ibang crush mo Athena tss.. "

"Hahaha.. eh! anong sabi niya?"

"Ayon mukhang selos na selos na may kadate kana ibang lalake."

"Bat mo naman sinabi na may kadate ako. Nakakainis ka Inna..."

"Tse! Para naman sayo yu at para makita kong may gusto rin ba siya sayu."

"Sa tingin mo"

"Oo...ayan na siya." sabi pa ni Inna na agad tumahimik sa gilid.

"Athena."

Hinila pa siya ni Maverick at papunta sila sa likod ng paaralan.

Habang namumula ang kanyang mga mata.

Pero bago sya humarap kay Athena ay pinakalma muna niya ang sarili.

"San ka galing kagabi ha? sinong kasama mo?"   Salubong na tanong agad ni Maverick.

"Bitawan mo nga ako nasasaktan ako!"

Sabi naman ni Athena na naiinis dahil sa higpit ng hawak nito sa mga kamay niya.
Kaya binitawan agad ni Maverick ang kamay niya.

"Bakit kaba nagtatanong." Sabi naman ni Athena sakanya.

"Gusto kong malaman masama ba?"

"May kadate ako kagabi...Oh okay kana? Shshssshsh..at tyaka natural lang  yun..kasi Single naman ako." 

"Anong natural dun? akala ko ba ako ang gusto mo." sagot pa ni Maverick sakanya. 

Kaya naman pinaliit ni Athena ang kanyang mga mata at ngumiti..

"So, ibig mo bang sabihin may gusto ka din  sakin..." nang aasar na sabi pa niya.

"W-wala akong sinabing ganyan." sabat naman agad ni Maverick.

"Bahala ka ikaw rin. Pag nag effort yung ka date ko baka ipagpalit na kita sa kanya Gwapo pa naman yun." Sabi pa ni Athena na pilit pinapaamin si Maverick sa nararamdaman nito para sakanya.

"Wag ka masyadong assumera. Kanina pa ako nagtatanong. Sino ba ang kadate mo?!" Galit na Sambit pa nito.

"Bakit susugodin mo o  ipapasalvage mo siya?"

"Athena."

"May gusto kaba sakin?" Diretsyahang tanong pa nito.

"Bat ba ayaw mong sagutin ang tanong ko." sabi pa ulit ni Maverick.

"Pag sinagot mo yung tanong ko, Sasagutin kita." Pang aasar pa niya.

"Okay...Fine, Pero hindi sa may gusto ako sayu.. hindi ko alam bat nararamdamn ko toh.. pero ang alam ko nagseselos ako... gusto ko sakin lang yung atensyon mo. Gusto ko ako ang pinaglalaanan mo ng oras gaya dati. Kase nasanay na ako sayu." Paliwanag pa nito.

Kaya naman niyakap siya ni Athena.

"Alam mo kahit ilang lalake or more pa yang ka date ko ikaw parin naman ang nag iisang mahal ko kaya wag ka ng mag selos." Pagpapakalma ni Athena kay Maverick.

"Wilfred... Wilfred, ang pangalan ng kadate ko kagabi. Basketball player sya sa IJCW."

"Wilfred.." Parang kasi may pamilyar ang pangalan iyon usal pani Maverick sakanyang isipan.

Pero hindi niya na yun inintindi  pa.

"Ikaw ha! matagal kana rin palang may nararamdaman sakin  pinatagal mo pa."

"A-anonh ibig mong sabihin?" Tanong pa ni Maverick.

"Alam kong hindi ka marunong manligaw kaya mula ngayon mag boyfriend na tayo. You and I Maverick, are officially a couple."

"Ano?" namumula ang pisngi ni Maverick dahil sa sinabi niya.

"My gosh, Ngayon lang kita nakitang kinilig at namula ang mga pisngi.Lalo kang gumagwapo eh.." sabi pa ni Athena sakanya.

Habang nakangiti lang si Maverick na nakatingin sa kanya.

"Halika na I-announce na natin sa lahat na boyfriend na kita." nakangiti na sabi ni Athena.

"Pwede bang wag muna?" Segunda naman ni Maverick Sakanya.

"A-ahh..Okay, sige.. basta official na tayong mag couple." Sagot niya.

Bumuntong hininga naman si Maverick at marahan na ngumiti sakanya.

"Ipangako mo sakin na lalayuan mo na yung kadate mo o kung sino mang mga lalake na nais nailakad ka, ayokong may lumalabas sayung iba. Akin ka lang Athena."

"Pinapakilig mo ako, mo nemen ekish Bhebhe Maverick."

Sabay hampas pa niya dito saka inipit ang kanyang buhok sa tenga, napatawa naman si Maverick sa ginawa niya.

"Magiging best boyfriend ako sayu, Athena."

"Di muna ako pagsusupladuhan?" Nagpapout pana tanong ni Athena.

"I Promised."

Kinilig naman si Athena at nagsalita siya ng may maalala tungkol sakanila Relasyon ni Reed.

"Pero pwede ba natin ipaalam kay Inna tuh?"

"Sige mapagkakatiwalaan naman siya."

Nakangiti na sagot ni Maverick sakanya kaya ginantihan niya din ito ng matamis na ngiti at niyakap naman siya ni Maverick.









A/N: Hello mga KabhebheLuvs The One that I Love is already completed story of mine try niyo ng basahin mga luvs.

Stay Stan and wait for the update of ITSOMVC✨

-IvyreteJC

I'm the stalker of my Vampire CrushWhere stories live. Discover now