Dilim

103 2 2
                                    

Dilim

©annika_nicole2015

———

Alas tres na ng umaga ng magising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Hudyat na kailangan ko ng maghanda sa pagpasok sa eskwela.

Bumangon ako upang buksan ang ilaw. Teka? Brown out ba? Wala namang bagyo. Hindi din naman umulan ng malakas kagabi. Hindi kaya naputulan kami ng kuryente? Ngunit kababayad lamang ni mama kahapon. Bumaba na lang ako sa sala kahit madilim at wala akong makita. Muntikan pa tuloy akong mahulog sa hagdan. Bakit ba ako nagtitiis sa dilim. Ayoko nito. May naaamoy akong masarap. Mukhang nagluluto na si mama ng almusal. Nakapagluluto siya kahit madilim?

"Ma!" Tawag ko sa kanya.

"Bakit po madilim? Wala po,ba tayong kuryente?" Tanong ko.

"Hindi anak." Malungkot na tugon ni mama.

Pero bakit madilim?

Narining,ko ang unti-unting paghikbi ng aking ina. Na naging hudyat ng pagtulo ng aking mga luha.

Hindi ito maari. Akala ko panaginip lang yung nangyari kahapon. Yung sasakyan------

Ngayon mas luminaw na sa akin amg lahat na habang buhay na pala akong matitiis sa dilim.

-WAKAS-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon